ABS-CBN, nagsimula na ng digital TV broadcast sa Batangas gamit ang ABS-CBN TVplus

ABS-CBN, nagsimula na ng digital TV broadcast sa Batangas gamit ang ABS-CBN TVplus

ABS CBN TV Plus Batangas

Kabilang na ang Batanguenos sa milyon-milyong Pilipino na makakapanood ng channels ng malinaw gamit ang ABS-CBN TVplus, ang unang digital terrestrial TV product sa bansa, dahil nagsimula ng mag-broadcast sa digital TV ang Kapamilya network simula noong Nobyembre 10.

Opisyal na ipinakilala ang ‘mahiwagang black box’ sa probinsya sa isang ceremonial switch-on event sa Lipa City Youth and Cultural Center. Hudyat ang bagong signal coverage area sa patuloy na pangunguna ng ABS-CBN sa paglipat ng viewers sa digital television mula analog bago sumapit ang 2023 deadline na itinakda ng gobyerno.

Isang espesyal din na concert ang inihandog ng ABS-CBN TVplus sa mga taga-Batangas. Dumalo sa selebrasyon sina Richard Gutierrez, “It’s Showtime” Hashtag members McCoy De Leon, Charles Kieron, Rayt Carreon, at Maru Delgado; pati ang “Tawag ng Tanghalan” artists kabilang ang TNT Divas na sina Rachel Gabreza at Remy Luntayao; Aila Santos; Hazelyn Cascano ng HALA; “TNT Cove” Christian Bahaya, JM Bales, at Sofronio Vasquez; at sina Jex de Castro, Mark Michael Garcia, Tuko delos Reyes, at Reggie Tortugo.

ABS CBN TV Plus Batangas

Bukod sa free TV channels na ABS-CBN at ABS-CBN S+A, masusubaybayan na rin ng mga residente sa Batangas ang “Sorpresaya,” isang weekday game show kung saan host sina Kapamilya komikeros Jobert Austria at Nonong Ballinan kasama si “It’s Showtime” “Miss Q & A” finalist, Elsa Droga. Umeere ito sa TVplus exclusive channel na CineMo, isang all-day movie channel. Napapanood din sa CineMo ang foreign at local classic at action movies na pinagbibidahan nina Fernando Poe Jr., Dolphy, Robin Padilla, at marami pang iba.

Samantala, tiyak na magugustuhan ng mga bata ang isa pang TVplus exclusive channel na YeY, isang all-day kids entertainment channel na nagpapalabas ng sikat na cartoon shows tulad ng “Spongebob Squarepants,” “The Adventures of Jimmy Neutron,” “Paw Patrol,” “My Hero Academia,” at “Digimon Adventure Tri,” pati na ang all-kids daily show, “Team YeY.”

Ang ibang exclusive channels ng TVplus ay Knowledge Channel, isang educational channel na nagpapalabas ng curriculum-based programs para sa primary at secondary students pati na ang DZMM TeleRadyo.

Gamit ang ABS-CBN TVplus box, makakapanood na rin ng box office movies ng Star Cinema tuwing weekend ang Batanguenos gamit ang Kapamilya Box Office (KBO) sa halagang P30.

Nakabenta na ng 6.2 million ABS-CBN TVplus boxes noong katapusan ng Oktubre ang ABS-CBN, na nag-ttransition ngayon na maging isang digital company. Ang Kapamilya network ang unang media at entertainment company sa bansa na nag-broadcast ng digital terrestrial television para mabago ang panonood ng TV ng maraming Pilipino simula noong 2015.

Patuloy na lumalawak ang signal coverage areas ng ABS-CBN TVplus kung saan kabilang ang Metro Manila, Bulacan, Nueva Ecija, Pangasinan, Rizal, Laguna, Pampanga, Tarlac, Benguet, Cavite, Metro Cebu, Cagayan De Oro, Iloilo, Bacolod, at Davao.

Available ang ABS-CBN TVplus sa Batangas City, Agoncillo, Alitagtag, Balayan, Bauan, Calaca, Calatagan, Cuenca, Ibaan, Lemery, Lipa City, Mabini, Padre Garcia, Rosario, San Jose, San Luis, San Nicolas, San Pascual, Sta. Teresita, Taal, Taysan, Tuy, at ibang parte ng Quezon province sa halagang P1,499.

Read more: BATANGAS EVENTS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *