Antonio Bathan Jr. Pasok sa PGT Season 6 Semifinal Round!!!

PILIPINAS GOT TALENT SEASON 6 SEMIFINALS…

Antonio Bathan Jr. isa sa 28 acts na muling babalik at magtatanghal para sa Semifinal round ng Pilipinas Got Talent Season 6.

Ipinakilala na ang mga magiging kalahok sa PGT Semis nitong nakalipas na episode nitong March 18, 2018, araw ng Linggo matapos mausisang salain ng mga huradong sina Angel Locsin, Robin Padilla, Freddie M. Garcia, at Vice Ganda ang mga talentadong Pinoy na pumasa sa unang round ng kompetisyon. Antonio Bathan Jr. Ang 18-anyos na si Antonio Bathan Jr. na taga-Mataas na Kahoy, Batangas ay nakilala sa kanyang talento sa spoken word poetry kung saan inihalintulad niya ang pag-ibig sa isang babae sa pagluluto ng “Pakbet” isang local Filipino vegetable dish na labis na ikinatuwa ng mga hurado.

Muling panoorin ang kanyang pagtatanghal.

Makakasama ni Bathan sa Semifinal round ang limang nakatanggap ngĀ “golden buzzer” na sina contortionists DWC Aeon Flex, pole dancer Kristel de Catalina, Nocturnal Dance Group, dance duo Julius Obrero at Rhea Marquez, at ang acrobatic group na Bardilleranz.

Maguumpisa ngayong March 24 at 25 ang PGT Season 6 Semifinal Round na mapapanood live sa Newport Performing Arts Theater sa Resorts World Manila at sa Kapamilya Network sa ganap na 7:00 ng gabi ng Sabado at 7:30 ng gabi ng Linggo.

Read more: Pilipinas Got Talent-Batangas

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *