Pinarangalan nireng Lunes, January 16, 2017 sa Camp Vicente Lim sa Calamba City, Laguna ang bayan ng Alitagtag at San Luis, Batangas matapos na maideklara ng PDEA na “drug-cleared” municipalities.
Alamin ang detalye.
BAYAN NG ALITAGTAG AT SAN LUIS BINIGYANG PAGKILALA SA 23RD PNP ETHICS DAY MATAPOS NA MAIDEKLARANG DRUG-CLEARED MUNICIPALITIES NG PDEA…
Pinangunahan ni Acting director of the Directorate for Personnel and Records Management (DPRM) Chief Supt. Ramon O. Purugganan ang awarding of plaques of recognition sa mga local government units (LGUs) at municipal police stations na naideklarang drug-cleared ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Region 4A kasabay na rin ng pagdiriwang ng 23rd PNP Ethics Day sa tradisyonal na Monday flag-raising ceremony sa Camp Vicente Lim, Calamba City, Laguna.
Ang plaques of recognition ay iginawad sa San Luis Municipal Police Station at Alitagtag Municipal Police Station para sa matagumpay nilang pagsasagawa drug-clearing operations sa mga barangay noong December 27, 2016 kaugnay na rin sa anti-illegal drugs campaign at Project: Double Barrel ng PNP.

Tinanggap nina Mayor Anthony Francis G. Andal ng bayan ng Alitagtag, at Samuel Noel B. Ocampo, ng bayan ng San Luis, ang plaques of recognition dahil sa suportang ipinakita ng dalawa sa drug-clearing operations.

Matapos na parangalan ni Purugganan ang mga awardees ay nagbigay ito ng pahayag. Binigyang diin ng Acting Director ng DPRM ang umanoy diwa ng 23rd PNP Ethics Day na may temang, “Tapat at may malasakit na Kapulisan, Sandigan tungo sa Kaunlaran.”
Ayon sa kanya ang pulis bilang mga public servants ay kailangang manindigan at umayon sa Code of Conduct and Ethical Standards ng mga Public Officials at Employees.
Pahayag ni Purungganan, “Ang selebrasyong ito ay nagpapaalala sa atin taun-taon upang ipatupad natin ang ating tungkulin ayon sa mga alituntuning isinasaad bilang isang kawani ng gobyerno at bilang isang miyembro ng kapulisan”.
Sa pagtatapos ng kanyang mensahe, hinimok niya ang lahat na pagnilayan kung paano mas mapapabuti ang sarili tulad ng kung ano ba talaga ang tunay na ninanais, ang inspirasyon at rason kung bakit naglilingkod para sa bayan. “Isapuso natin ang pagbabago sa institusyon sa pamamagitan ng pagbibigay sa sambayanan ng tapat na serbisyo para sa ikauunlad ng ating bayan at organisasyon,” he added.
Samantala, matapos ang programa ay kaagad naman itong nasundan ng seminar ukol sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act na isinagawa naman sa PRO4-A headquarters.(Source:Journal Online)
Barako PH is a Batangas-based digital marketing platform under Boomer Events and Production. The brand was created to promote and support local businesses in the Philippines through online marketing tools and services. Barako PH offers a wide range of services including website design and development, SEO, social media marketing, and online advertising. The company also provides a platform for businesses to connect with their customers and promote their products and services. Barako PH is committed to providing the best possible service to its clients and helping them grow their businesses.
 
  
 

 
 
GIPHY App Key not set. Please check settings