in ,

BATANGAS CITY: 195 Iskolar Nagtapos Sa BEST Program Ng Malampaya Foundation

Nasa 195 iskolar ang nagsipagtapos sa iba’t ibang kursong bokasyunal sa ilalim ng Bridging Employment through Skills Training (BEST) program ng Malampaya Foundation Inc.(MFI) noong Agosto 18, 2016.

Alamin ang buong detalye.

195 ISKOLAR NAGTAPOS SA B.E.S.T. PROGRAM NG MALAMPAYA FOUNDATION…

Idinaos noong Agosto 18, 2016 sa Hotel Pontefino sa lungsod ng Batangas, ang isang simpleng seremonya kung saan binigyang pugay ang tinatayang 195 katao na mga nagsipagtapos sa iba’t ibang kursong bokasyunal sa ilalim ng Bridiging Employment through Skills Training (BEST) program na itinataguyod ng Malampaya Foundation Incorporated (MFI).

Sa 195 katao na nagsipagtapos, 20 kabataan sa mga ito ang nagsanay ng welding, 20 sa instrumentation control and servicing, 30 pipefitting, 60 scaffolding at 60 sa piping insulation na nagsanay sa iba’t-ibang TESDA accredited training centers sa lungsod.1379425_305859426220526_1300182583_nAyon kay MFI Executive Director Karen Agabin, layunin umano ng programa na matulungan ang mga mamamayan sa lungsod na mabigyan ng sapat na kasanayan na magagamit upang pagkakitaan.

Nagbigay naman ng mensahe si Shell Philippines Exploration BV Managing Director Sebastian Quinones para sa mga nagsipagtapos. Payo ni Quinones para umano sa ikakaganda ng buhay ng mga nagsipagtapos, manatili umanong matapat; masipag; matiyaga; magbibigay ng mataas na kalidad ng trabaho; pagkakaroon ng integridad; pagbibigay prayoridad sa kaligtasan sa lahat ng pagkakataon, pag-iimpok para sa kinabukasan at patuloy na paghingi ng gabay sa Panginoon.

Samantala, ayon kay Public Employment Service Office (PESO) manager Noel Silang, maganda umanong oportunidad ang ibinibigay ng MFI para magkaroon ng magandang pagkakataon ang mga out-of-school youths na sumailalim sa libreng pagsasanay. Ayon sa kanya, “Sa mga iskolar na nandito, sana ay maging hangarin din ninyo na tumulong sa iba dahil kayo mismo ay nabigyan ng tulong ng MFI. Gawin ninyong inspirasyon ito upang maisaayos ang inyong estado sa buhay. Ang aming tanggapan ay bukas-palad upang tulungan at magabayan kayo sa pag-aaplay sa trabaho, maaari kayong pumunta dito para matulungan namin kayo.”

Ipinaabot naman ni Batangas City Mayor Beverley Dimachuha, sa pamamagitan ng kanyang kinatawan na si Bb. Abby Abendan, ang kanyang pasasalamat sa MFI sa patuloy na suportang ibinibigay nito sa mga Batangueno upang mas mapaganda ang kanilang buhay.

Labis namang nagpapasalamat ang mga nagsipagtapos na BEST scholars sa MFI sa walang sawang pagtulong nito sa mga katulad nila na nagnanais na mapabuti ang buhay.(Source: PIA BATANGAS-pia.gov.ph)

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

TANAUAN CITY: Mga Drug User Huli Sa Akto, Walk Of Shame May Bagong Tema

LIPA CITY: Sikat Na Gotohan At Tapsihan Nasunog!