BATANGAS CITY ATHLETICS TANDUAY BEATS QUEZON CITY CAPITALS-ROYAL MNL
Matapos makalasap ng unang pagkatalo mula sa Marlou Aquino-led Bulacan Kuyas-Ligo Sardines noong nagdaang Sabado, March 03, 2018 balik sa kanilang winning ways ang Batangas City Athletics-Tanduay sa Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) Anta Rajah Cup.
Tinalo ng Athletics ang Quezon City Capitals-Royal MNL sa score na 77-68 sa laro na ginanap sa Caloocan Sports Complex March 8, 2018, Huwebes ng gabi.
Nagtulong-tulong ang Athletics kung saan limang tao ang umiskor ng double figures para sa koponan. Ito ay sina Bernabe Teodoro, 15points; K. Quinto, 14 points; Jhaymo Eguilos, 12 points; Paul Varilla, 11points; at si Lester Alvarez, 11points.
Nalimitahan naman sa 2 puntos si Val Acuña na lumaro kahit may trangkaso.
Bumida naman para sa Quezon City si Jessie James Collado na nagtala ng 22 points, 5 rebounds.
Nangunguna pa rin sa MPBL Anta Rajah Cup standings ang Batangas sa kasalukuyan(as of March 09, 2018) na may 7-1 win-loss record.
Read more: BATANGAS ATHLETICS-TANDUAY
To God be the glory
Head Publisher Barako PH
Brand manager, SEO Content Writer, Digital Marketer, Radiojock, Content Creator, Event Organizer
GIPHY App Key not set. Please check settings