in ,

BATANGAS: Kilalanin Ang Huwarang Jeepney Driver Ng Batangas City

Viral ngayon sa social media ang isang drayber ng jeepney sa Batangas City matapos maipost ang larawan nito ng kanyang natulungang pasahero sa Facebook.

Alamin ang detalye.

KILALANIN ANG HUWARANG JEEPNEY DRIVER NG BATANGAS CITY…

Umani ng papuri sa social media ang isang jeepney driver sa Batangas City (biyaheng Capitolio-Hospital)  matapos ang matapat nitong pagsauli ng nawala umanong cellphone ng pasahero sa loob ng kanyang minamanehong dyip. Naisauli ng buo ang cellphone sa pasahero at isa pa sa ikinatuwa ng lahat ay ang pagtanggi ng drayber na tumanggap ng anumang halaga mula sa mag-anak ng pasahero bilang pasasalamat.

Hindi na nakilala ng mag-anak ang totoong ngalan ng drayber. Pero sa labis na tuwa ay nilitratuhan na lamang nila ito. Dahil sa nakuhang litrato naisipan ng isa sa kanila na i-post ang larawan nito sa Facebook. Sa post ng nagngangalang Fer Iansky binigyang pugay nito ang nasabing drayber. Narito ang nilalaman ng post:

“ito si kuya driver ng capitolyo hospital… hindi na namin nakuha ang kanyang pangalan ayan ang plaka ng kanyang sasakyan… ibinalik nya po ang cellphone ng anak ng kumpare ko.. ni ayaw tumanggap ng kahit anung halaga sa amin kayat minabuti namin syang litratuhan para maipost at mapasalamatan.. manong driver sana madami pang taong katulad mo!! naway gabayan ka ng poong may kapal!! 🙂

Narito naman ang larawan ng nasabing driver.

14102607_1072441989515464_3376036917651789967_n

Sa pagkalat ng larawan ng nasabing drayber. Napag-alaman namin kung sino ito. Ang butihing drayber ay nakilalang si G. Marlon Lizardo ng Barangay Gulod Labac, Batangas City na halos 20 years na umanong namamasada.

Aming nakausap ang anak ng drayber na si Jones Lizardo, narito ang kanyang mensahe sa amin tungkol sa kanyang ama,

“Gulod labac po ang address namin..more than 20 yrs na po siguro siyang namamasada kasi elementary pa lang ako, nakikipasada na sya noong wala pa kaming sariling jip aside from pagbbuy and sell ng livestock specifically baka(cow) po..Yun po ibinubuhay niya samin dati.. 3 po kami na magkakapatid..ako po ang panganay and 2 girls na sumunod..sa tulong ng mga kaanak namin at effort ng parents namin, nakatapos kaming dalawa ng kapatid ko at sa ngayon ay registered nurse while ang bunso ay elementary pa..”

Nagpapasalamat naman ang anak na si Jones sa mga umano’y na-inspire sa magandang ginawa ng kanyang ama. Sana raw ay tularan ito ng marami. Narito ang kanyang pahayag..

“hopefully ay mas madami pang mainspire sa kanyang nagawa at tularan ng marami..”

Samantala narito naman ang ilan sa mga pahayag ng mga kabatang natin sa FB/KaBatang.com..

Capture 2

Capture3

Saludo kami sa iyo kabatang na Marlon Lizardo.

Boomer Events and Production | Website | + posts

Barako PH is a Batangas-based digital marketing platform under Boomer Events and Production. The brand was created to promote and support local businesses in the Philippines through online marketing tools and services. Barako PH offers a wide range of services including website design and development, SEO, social media marketing, and online advertising. The company also provides a platform for businesses to connect with their customers and promote their products and services. Barako PH is committed to providing the best possible service to its clients and helping them grow their businesses.

What do you think?

Written by Barako PH Writers

Barako PH is a Batangas-based digital marketing platform under Boomer Events and Production. The brand was created to promote and support local businesses in the Philippines through online marketing tools and services. Barako PH offers a wide range of services including website design and development, SEO, social media marketing, and online advertising. The company also provides a platform for businesses to connect with their customers and promote their products and services. Barako PH is committed to providing the best possible service to its clients and helping them grow their businesses.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

GIPHY App Key not set. Please check settings