MPBL: Batangas City Tanduay Athletics Wagi Kontra QC Capitals sa Pagbubukas ng Datu Cup!!!

BATANGAS CITY TANDUAY ATHLETICS(1-0) BEATS QCC-BLACK MAMBA…

Muling nagbukas ang Maharlika Pilipinas Basketball League(MPBL) para sa ikalawa nitong komperensya na Anta Datu Cup.

Nagbukas ang regional basketball league kahapon June 12, 2018 sa mismong araw ng paggunita ng Araw ng Kalayaan ng Pilipinas na mayroon ng 26 na koponang kalahok. Ang opening ceremony na sinundan ng double header games ay ginanap sa makasaysayang Smart Araneta Coliseum.

Samantala naipanalo naman ngayong gabi ng inaugural MPBL champion na Batangas City Tanduay Athletics ang kanilang unang laro kontra Quezon City Capitals-Black Mamba sa iskor na 95-90 na naganap sa Caloocan Sports Complex.

Pinangunahan ni Pedrito “Bong” Galanza Jr. ang Batangas na tumikada ng 28 puntos na may 5/7 3-Pt FGs. Matatandaan na si Bong Galanza na dating PBA KIA player ang ipinalit sa pansamantalang pag-alis ni Bong Quinto na inaasahang magbabalik sa koponan matapos ang NCAA.

Bong Galanza

Hindi man nakapaglaro ang kauna-unahang MPBL MVP na si Val Acuña at reliable big man ng athletics na si Jhaymo Eguilos dahil sa injury malaki ang naging kontribusyon ni former Ginebra player Deniece Villamor na nakapagtala ng 20 points, 12 rebounds, at si Paul Varilla naman ay 15 points, 5 assists.

Naging dikit ang labanan sa huling bahagi ng laro sa paghabol ng Quezon City sa pangunguna ni Collado na nagtala ng 21 points at ni Jojo Duncil na nagtala naman ng 19 points para sa QCC Black Mamba ngunit ito ay hindi naging sapat para talunin ang mga bataan ni Coach Mac Tan.

Panoorin ang buong laro.

Read more: TANDUAY ATHLETICS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *