in

BATANGAS: SCUAA 2017 National Games Matagumpay Na Naisagawa

Source: nationalscuaa.com

Naging matagumpay ang SCUAA 2017  national games na isinagawa sa lungsod ng Batangas na kung saan libu-libong mga delegado mula sa 16 na rehiyon ng Pilipinas ang nagsipagdalo. Tumagal ng isang linggo ang nasabing palaro na nagumpisa noong February 19, 2017 hanggang Febuary 24, 2017.

Maaalala na marami ang namangha sa isinagawang field demo ng mga estudyante ng Batangas State University (BSU) na siyang naging host ng palarong pambansa.

SCUAA 2017 NATIONAL GAMES MATAGUMPAY NA NAISAGAWA SA BATANGAS…

Matagumpay na idinaos sa lalawigan ng Batangas ang 2017 State Colleges and Universities Athletic Association kung saan tinanghal na over-all champion  ang mga delegado mula sa National Capital Region(NCR).

Ang SCUAA ay ginanap sa lalawigan ng Batangas at nagsilbing host university ang Batangas State University kung saan 21 iba’t-ibang uri ng laro ang ginanap sa iba’t-ibang venues sa lungsod ng Batangas at maging sa munisipalidad ng Nasugbu.

Source: nationalscuaa.com

Kabilang sa mga larong ito ang archery, arnis, athletics, badminton, basketball, beach volleyball, boxing, chess, dance sports, football, futsal, karatedo, lawn tennis, pencak silat, sepak takraw, softball, swimming, table tennis, taekwondo at volleyball.

Ayon kay Dr. Tirso Ronquillo, buwan ng Oktubre 2016 ng iparating sa kanila ng PASUC o Philippine Association of  State Universities and Colleges ang pagho-host sa naturang palaro kung saan may humigit kumulang sa 7,000 delegado mula sa iba’t-ibang rehiyon ang nakibahagi.

Kaugnay nito, nakipag-ugnayan ang BSU sa pamahalaang panlalawigan ng Batangas at pamahalaang panglungsod para magamit ang mga posibleng game venues tulad ng Provincial Sports Complex at Batangas City Sports Coliseum.

Maliban dito ay nakipag-ugnayan din sa ibang mga pribadong unibersidad sa lungsod ng Batangas tulad ng University of Batangas, Lyceum of the Philippine University-Batangas at STI Batangas.

“Bukod pa rito nakipag-ugnayan pa rin kami sa Department of Education sa pangunguna ni Dr. Donato Bueno para magamit ang 18 pampublikong elementarya sa lungsod kung saan pansamantalang mananatili ang mga delegado.”, ani Ronquillo.

Naglagay rin ng Incident command System (ICS) upang siguruhin ang kaligtasan ng mga kalahok. Kasama rito ang PNP, BFP, Provincial Health Office, City Health Office at iba pang ahensya ng pamahalaan. Tumagal ang SCUAA ng isang lingo mula Pebrero 19-24 .

Source: nationalscuaa.com

Sa naganap na awarding ceremony noong Pebrero 24 kabilang sa Top 5 delegates ang mga sumusunod; 5th place-Region 8 na may 6 gold,11 silver at 20 bronze; 4th place- Region 4 na may 22 gold, 59 silver at 83 bronze; 3rd place Region 6 na may 30 gold, 28 silver at 59 bronze; 2nd place- Region 3 na may 82 gold, 75silver at 77 bronze) at; Champion- NCR na may 166 gold, 65silver at 60bronze medals.Ayon naman kay Dr. Herbert Glenn Reyes, PASUC Executive Director, may tatlong bidders para sa 2018 SCUAA at ito ay ang Bicol University, West Visayas State University at Davao Region.

Ayon naman kay Dr. Herbert Glenn Reyes, PASUC Executive Director, may tatlong bidders para sa 2018 SCUAA at ito ay ang Bicol University, West Visayas State University at Davao Region.Kaugnay nito, nagpaabot ng pasasalamat si Reyes sa lahat ng Batangueno na mainit ang ginawang pagtanggap sa lahat ng delegado at sa magandang karanasan ng mga atletang lumahok sa 2017 SCUAA National Games.

Kaugnay nito, nagpaabot ng pasasalamat si Reyes sa lahat ng Batangueno na mainit ang ginawang pagtanggap sa lahat ng delegado at sa magandang karanasan ng mga atletang lumahok sa 2017 SCUAA National Games. (Article by: Mamerta De Castro-PIA Batangas/pia.gov.ph)

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

GIPHY App Key not set. Please check settings

Loading…

0

BATANGAS: House Bill Para Gawing “Commercial” Ang Fernando Air Base, Muling Binuhay

ANG GUSTO NG INAY: Kilalanin Natin Si Kabatang Admin Kurdapya!!