in ,

BATANGAS: “Twinkabogable” Pasok Sa Pinoy Boyband Superstar Auditions, Mga Judges At Manonood Napa-Pak Gay-Own!!

Hagalpak na sa kakatawa ang Mamay kagab-i ng mapanood ang dalwang areh na nag-audition sa Pinoy Boyband Superstar. Ang pinakabagong Filipino reality singing competition ng ABS-CBN.

Ang Twinkabogable, na binubuo ng magkambal na Jayvee at Bjorn Mendoza (Sprouse), tubong Bauan, Batangas ay muling nagpamalas ng kanilang galing sa pagawit sa pamamagitan ng mash-up ng iba’t ibang sikat na kanta.

TWINKABOGABLE PASOK SA PINOY BOY BAND SUPERSTAR AUDITIONS, CELEBRITY JUDGES AT MANONOOD NAPA-PAK GAYOWN…

Pormal na ngang nagumpisa ang Pinoy Boyband Superstar nitong Sabado, September 10 2016; ang pinakabagong reality singing competition ng ABS-CBN. Ang programa ay base sa Latin-American singing competition na “La banda” na naimbento umano ng sikat na British reality television judge na si Simon Cowell.

Ang host ng programa ay ang International R&B sensation na si Billy Crawford at 4 na celebrity judges na binubuo nina; Aga Muhlach, Sandara Park, Yeng Constantino, at Vice Ganda. Ayon sa ABS-CBN: “the reality show aims to find new Pinoy boy bands that will bring romance and good music to television viewers.”  Kaya naman mapapansin sa format pa lang ng programa, kailangan munang makapasa ng mga auditionees sa harap ng all-female audience at makakuha ng 75% ng kanilang votes bago makapag-perform sa harap ng mga celebrity judges.

14232431_520999451428430_4225938138142040820_n

Samantala, nitong Linggo, para sa ikalawang episode ng programa, pinalad ang dalawa nating kabatang mula sa Bauan, Batangas. Ang “Twinkabogable” na binubuo ng kambal na sina Jayvee (yuong unat ang buhok) at Bjorn (yuong kulot ang buhok) Mendoza Sprouse, 22 anyos, na sumikat na noon pa sa kanilang mga videos ng pagmash-up ng mga sikat na kanta.

Sa unang bahagi ng audition, kung saan kailangang makakuha ng at least 75% ng votes mula sa all-female audience, mataas na nakuha ng mash-up twins ang 95% na marka. Kung kaya naman kaagad silang nakapasok at nakapagperform sa harap ng mga celebrity judges.

Game na game namang nakipagkulitan ang Unkabogable Judge na si Vice Ganda na umano’y tubong Taysan, Batangas sa Twinkabogable.

Narito ang video ng nasabing audition.

Matapos ang kanilang performance, labis na ikinatuwa ng madlang audience ang kanilang pagtanghal. Humanga rin ang apat na judges sa dalawa dahil dito nakakuha ang Twinkabogable ng apat na “Yes” mula sa apat na judges at aakyat na sa susunod na round.

fb_img_1473670357255.jpg

Samantala narito naman ang mga naturan ng ilan sa mga judges. Ayon kay Vice Ganda, “Bagay sa inyo ang pangalan Twinkabogable..mga anak ko nga kayo! Twinkabogable feeling ko nga di nyo kailangan itong Boyband Superstar eh. Duo lang kayo, the twinkabogable uubra na yan eh.” Sabi naman ng K-Pop Superstar Sandara park, Lovely..bubbly. happy virus kayo..ganda ng energy nyo. Kailangan yan sa isang boyband.” fb_img_1473670382883.jpg

Pahabol naman ni Vice sa dalawa, kung marunong ba raw silang mag-Pak ganern?. Kaagad namang sumagot ang dalawa ng Batangueno version, ang “Pak Gay-own”.. Na-curious naman si Vice kung kayat ipinakita ng dalawa ang kanilang version. Sa labis na tuwa, hinikayat naman ni Vice ang madlang pipol na gawin ang Pak gay-own ng sabay-sabay.(Source:Youtube/Pinoy Boyband Superstar,Photos:FB/Twinkabogable Boyband PH 

Boomer Events and Production | Website | + posts

Barako PH is a Batangas-based digital marketing platform under Boomer Events and Production. The brand was created to promote and support local businesses in the Philippines through online marketing tools and services. Barako PH offers a wide range of services including website design and development, SEO, social media marketing, and online advertising. The company also provides a platform for businesses to connect with their customers and promote their products and services. Barako PH is committed to providing the best possible service to its clients and helping them grow their businesses.

What do you think?

Written by Barako PH Writers

Barako PH is a Batangas-based digital marketing platform under Boomer Events and Production. The brand was created to promote and support local businesses in the Philippines through online marketing tools and services. Barako PH offers a wide range of services including website design and development, SEO, social media marketing, and online advertising. The company also provides a platform for businesses to connect with their customers and promote their products and services. Barako PH is committed to providing the best possible service to its clients and helping them grow their businesses.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

GIPHY App Key not set. Please check settings