Batangueño Salesman Binigyan ng Parangal sa Sunday Pinasaya

BATANGUEÑO SALESMAN “PUSO NG SAYA” AWARDEE

Christian Tecson
Photo courtesy: Christian “Xian” Tecson FB page

Tumanggap ng parangal mula sa GMA variety show na Sunday Pinasaya ang Batangueño Salesman ng SM City Lipa na si Christian “Xian” Tecson.

Nag-viral sa social media ang mga videos ni Christian Tecson matapos makuhanan ng mga netizens ang kanyang kakaibang paraan ng pagbebenta ng maleta na may halong sayaw at pag-split pa.

At dahil dito ay naging instant celebrity si Xian na tinagurian na rin ng Kapuso network bilang “kabogerang salesman.”

Nitong July 28, 2018 episode ng Sunday noontime variety show na Sunday Pinasaya ay ibinigay kay Tecson ang ‘Puso ng Saya’ award.

Iniabot ng mga hosts ng programa na sina Marian Rivera at Philippine Comedy Queen Aiai Delas Alas ang parangal sa kanya.

Bukod sa pagiging salesman ni Christian Tecson, siya rin ay nag-aaral at kumukuha pa ng ibang sideline para makatulong sa kanyang pamilya.

Read more: PEOPLE

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *