BAUAN, BATANGAS: Barangay Chairman Binaril, PATAY

Barangay Chairman ng Poblacion 3, Bauan, Batangas pinagbabaril at napatay ng di pa nakikilalang suspek..

Motibo ng pagpaslang patuloy pang inaalam ng Pulisya..

BARANGAY CHAIRMAN SHOT DEAD IN BATANGAS…

Patay ang 47-anyos na Barangay Chairman na si Gilbert “Pangulong Labuyo” Alvar ng Poblacion 3, Bauan, Batangas, matapos itong pagbabarilin habang ipinaparada ang kanyang minamanehong motorsiklo sa harapan ng isang burger joint (Brock’s Burger)  na ilang metro laang ang layo sa kanyang kinatitirikang basaysay sa Binay Street ng nasabing Poblacion, bandang 12:50 ng madaling araw, Abril 28, 2016, araw ng Huwebes.

police-862341_960_720

Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng Bauan Municipal Police Station, lumitaw umano ang suspek na armado ng maigsing kalibre ng baril sa bandang likuran ng biktima at pinagbabaril ito habang ipinaparada ang motorsiklo.

Kaagad namang umalapaw ang nakabaril sa nagaabang na traysikel na minamaneho ng isa pang di nakikilalang suspek na sigalpot na pumulas palayo sa lugar na pinangyarihan ng krimen para makatakas.

Nadala pa umano si Pangulong Labuyo sa Dr. Mario Bejasa General Hospital para gamutin ngunit binawian rin ng buhay habang ginagamot.

12961556_10209457999273069_3985373123512285102_n

 

Samantala, ayon kay C/Insp. Jezreel Calderon, hepe ng Bauan Municipal Police Station, may mga sinisipat silang “person of inte­rest” at ilan nga sa kanila ay naimbitahan ng suminsay sa istasyon ng pulis para kuhanan ng salaysay. Hindi pa rin malinaw kung ang krimen baga ay politically motivated.

Patuloy naman ang paghahanap ng hustisya ng pamilya, kamag-anak at naulila ng biktima.

13087869_1137964726267512_1593742158900716284_n

Credits: Abante Online/Facebook photos

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *