in , , ,

TANAUAN CITY: Kilalanin Ang Beauty Queen Dentist Kristel Guelos Na Lalahok Sa Binibining Pilipinas 2017

Original photo source: bbpilipinas.com

Kamakailan ay ipinakilala namin ang dalawa sa tatlong mga kandidata na kakatawan sa lalawigan ng Batangas para sa Binibining Pilipinas 2017. Mula sa bayan ng Ibaan ay nakilala natin si Dane Felisse Marasigan at sa Balayan naman ay si Juliana Kapeundl

Isang kandidata pa ang lalahok sa prestihiyosing kompetisyon mula sa lungsod ng Tanauan. Aangat kaya ang ganda ng batanguenyang si Kristel Guelos?

KILALANIN ANG BEAUTY QUEEN DENTIST NG TANAUAN BATANGAS.

Ang ika-54 na edisyon ng Binibining Pilipinas 2017 ay magaganap ngayong Linggo, April 30, 2017. Ito ay gaganapin sa makasaysayang Smart Araneta Coliseum. Ilan sa mga titulong paglalabanan ay ang mga sumusunod: Miss Universe (2016 Top 6 Maxine Medina), Miss International (2016 Title Holder Kylie Verzosa), Miss Intercontinental (2016 Top 15 Jennifer Hammond), Miss Supranational (2016 Top 25 Joanna Louise Eden), Miss Grand International (2016 1st Runner-up Nicole Cordoves), at Miss Globe (2016 3rd Runner-up Nichole Marie Manalo).

Samantala, bukod kay Dane Felisse Marasigan at Juliana Kapeundl ay isa pang batanguenya ang nakapasok sa kompetisyon. Ito ay ng 24 anyos na dentista mula sa lungsod ng Tanauanna si Kristel Guelo. Siya ay nagtapos sa Centro Escolar University ng Dentistry at sa ngayon ay may sariling Dental Clinic sa nabanggit na lungsod.

Suki na rin ng beauty contest ang batanguenyang ito dahil kamakailan lang ay sumali na siya sa Miss Manila at Miss Philippines Earth kaya naman hindi nakakapagtakang mapabilang siya sa Bb. Pilipinas 2017.

 

Ayon kay Guelos mas confident na umano siya ngayong makipagcompete dahil na rin sa trainings niya at experience sa pagsali sa nakaraang pageants. Kakatapos lang din niya last year ng kanyang training ng Program in Orthodontics at plano din niya na mag-enroll sa Philippine Association of Aesthetic Dentistry ngunit pag iisipan pa niya ito kung sakaling  mananalo siyang Bb. Pilipinas 2017.

Dahil na nga sa kanyang propesyon bilang dentista, nais niyang magfocus sa Cosmetic Dentistry at Oral Surgery. Ayon pa sa kanya passion din talaga niya ang pagsali sa mga beauty pageant dahil 19 years old pa lang siya ay sumasali na siya sa mga beauty contest kung saan kinoronahan siya bilang Miss Manila 2016 3rd runner up. Para sa kanya ang pagiging isang kandidata ng Bb. Pilipinas 2017 ay isang malaking karangalan. Ito ay katuparan at pambihirang pagkakataon. Ito rin ay isang paraan upang hikayatin ang bawat tao magkaroon ng tiwala sa sarili at maging isang magandang halimbawa at maging isang lider para ibahagi ang pagmamahal at pakikipagtulungan sa kapwa tao. (Source: bbpilipinas.com/normannorman.com Article by : Jason Moresca ABCOMM 4th Year BSU LIPA)

Barako Logo
 | Website |  + posts

Barako PH is a Batangas-based digital marketing platform under Boomer Events and Production. The brand was created to promote and support local businesses in the Philippines through online marketing tools and services. Barako PH offers a wide range of services including website design and development, SEO, social media marketing, and online advertising. The company also provides a platform for businesses to connect with their customers and promote their products and services. Barako PH is committed to providing the best possible service to its clients and helping them grow their businesses.

What do you think?

Written by Barako PH Writers

Barako PH is a Batangas-based digital marketing platform under Boomer Events and Production. The brand was created to promote and support local businesses in the Philippines through online marketing tools and services. Barako PH offers a wide range of services including website design and development, SEO, social media marketing, and online advertising. The company also provides a platform for businesses to connect with their customers and promote their products and services. Barako PH is committed to providing the best possible service to its clients and helping them grow their businesses.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

GIPHY App Key not set. Please check settings