BREAKING: Sto Tomas, Batangas Ganap ng City

“STO TOMAS CITY BATANGAS” PIRMADO NA NI PANGULONG DUTERTE!?!

Matapos maaprubahan ng Senado ang House Bill 5160 sa ikatlo o huling pagbasa na nagpapatibay sa transpormasyon ng munisipalidad ng Sto Tomas, Batangas para maging isang component city o lungsod ay pinirmahan na rin diumano ni Pangulong Rodrigo Duterte para maging ganap na city ito.

Ito ay pagkukumpirma ng official Facebook page ng munisipalidad Sto Tomas na “The Municipality of Sto Tomas, Batangas.”

Sto Tomas City Batangas

Ang naturang post ay may caption na,

Magandang Bukas Sto Tomas!

PIRMADO NA ni President. Rodrigo Roa Duterte ang Republic Act na nagtatakda sa pagiging ganap na CITY ng Bayan ng Sto Tomas!

say YES to Cityhood!
say YES to CITY OF STO TOMAS!

#YEStoCityofStoTomas
#CitynaangStoTomas!

Ito ay inilathala nitong October 10, 2018 ng umaga.

Ang lungsod ng Sto Tomas, Batangas ay kasalukuyang pinamumunuan ni Mayor Edna P. Sanchez at Vice Mayor Armenius O. Silva.

Read more: BATANGAS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *