SINSAY KABATANG: BRIM CAFE “Vintage Themed Cafe In Batangas City”

FOOD TRIP ga kamo dine sa Batangas? Meron akong tukoy!

Ang hanap mo ga ay masarap na kainan? Magandang tambayan? Maganang mag relax? Magandang reviewhan pagka may exam? Mayroong board games? At syempre malakas ang WIFI pang FB at IG?

BRIM CAFE: “Overflowing” Food Trip Experience!

Ay sya. Tayo dine sa Brim Cafe. Nagbukas ito noong April 28, 2017, itinayo ng magkakaibigang gradweyt ng HRM sa Batangas State University-Main Campus.

Ang ibig sabihin ng BRIM ay OVERFLOWING, sa tagalog ay UMAAPAW. Kaya naman UMAAPAW rin ang sarap sa pagkain nila.

  • Ispagiteh
  • Nachos with mango strips
  • Club house sandwich
  • Brims Signature Burger, Nachos, and Club house sandwich

Aba nung kami ay kumain dine ay talagang nag UUMAPAW ang pagkain kasama ang admins ng KaBatang.com at si Mam Ruby. Talagang sulit na sulit ang bayad niyo pag kayoy kumain dine. Pagkalaki ng serving nila eh.

BRIM CAFE OPENING HOURS:

Open sila ng Monday-Saturday. 9:00 am to 10:00 pm.

BRIM CAFE LOCATION:

Madali lang hanapin ang #BrimCafe areh ang address nila. JLS Bldg. Rizal Ave. Extension Batangas City. Malapit sa terminal ng dyip byaheng Batangas City to Mabini sa tapat ng TOTAL na gasulinahan.(Contributor: Ron Abante, Probinsyanong Batangueno)

“It is perfect for your instagram selfies even if the space is small. They offer classic tables and chairs or opt to have an indian sit with your group. “-Ruby

“Makatapos mag kolehiyo, nagtayo nang negosyo! Kainan, tambayan, at higit sa lahat FREE WIFI diyan” -Tikya
BRIM CAFE SINSAY KABATANG:

 

REVIEWS:

BRIM CAFE by iamsweetbie

READ MORE: Sinsay Kabatang

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *