CALACA, BATANGAS: 5 Katao Nalunod Sa Dagat Sa Nakalipas Na Mahal Na Araw Sa Batangas

Mga kabarako, ingat ho tayo sa paga-outing ngay-ong Summer 2016!

May naitala diumanong pitong kaso ng pagkalunod dine sa ating lalawigan ng Batangas sa katatapos laang na Simana Santa. Lima sa Calaca, at dalwa naman sa San Juan at Batangas City.

Drowning incident in Calaca, Batangas

Limang (5) katao ang namatay at isa ang nagpapagaling diumano matapos malunod ang mga nauna sa dagat na kinasasakupan ng Barangay Sinisian, Calaca, Batangas. Nangyari ang insidente nuong Hwibes, Marso 24, dakong alas syite ng gab-i. Ang mga biktima ay natukoy sa pangalang Lorenz Kyle Boa, 11-taon gulang; Jimson Boa, 17; Lazaro Boa, 20; John Joseph Mendoza, 23; and Herminigildo de Castro, 21.

Drowning incident in Calaca Batangas

Nagkayayaan laang daw ang magpipinsan na maglunoy sa tubig na malapit laang sa isang residential area, nga laang ay napadpad sa malalim na bahagi ng dagat si utoy Lorenz Kyle Boa at kaagad nalunod. Sinubukang sagipin ng apat niyang kasama si Lorenz subalit sa kasamaang palad ay nangalunod din ang mga areh. Ang nasabing lugar na pinangyarihan ng insidente ay hindi isang tourist resort, ayon sa report.

Samantala, dalawa pang insidente ng pagkalunod ang naitala sa magkahiwalay na lugar dine sa atin. Isang binata ang nalunod sa Barangay Ilijan, Batangas City matapos bumalintong ang kanyang kayak na sinasakyan sa dagat na areh na sakop ng Batangas City, dakong alas dyis y media ng gab-i.

Sa Barangay Laiya, San Juan, Batangas naman ay nalunod din ang isang taga-Sta Maria, Bulacan na nagngangalang Gilbert Maningas, 46-anyos. Naisugod pa si Gilbert sa ospital ngunit dead-on-arrival nadaw. Siya ay nakacheck-in diumano sa Paseo Verde Beach Resort sa Barangay Laiya Aplaya, San Juan, Batangas.(Sources: ABS-CBN, Observer Philippines)

Read more: Batangas news

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *