Dating Voice Kids PH 2015 Contestant Patay sa Aksidente sa Batangas

CHRISTIAN PASNO, DATING THE VOICE KIDS PH CONTESTANT PATAY SA AKSIDENTE SA MOTORSIKLO

Nasawi sa aksidente nitong Linggo ng gabi sa barangay Mabalanoy, San Juan, Batangas ang dating semifinalist ng The Voice Kids PH na si Christian Pasno.

Ayon sa isang panayam kay Senior Insp. Roy Cuevas ng San Juan Municipal Police, sakay ng motorsiklo ang biktima na walang headlight at nag-overtake ito sa isa pang motorsiklo. Maaring hindi umano napansin ng biktima ang tambak ng lupa sa lugar dahilan para mawalan ng kontrol at sumemplang ang motorsiklo ng binatilyo na wala ring suot na helmet.

Dahil sa pangyayari ay nagtamo ang 13-anyos na si Payno ng severe traumatic brain injury.

Labis naman ang pagdadalamhati ng pamilya ng biktima. Ayon sa pamilya nanggaling lang umano ang biktima sa karatig lugar na kung saan rumaket ang ama nito bilang singer. Umawit pa umano para sa mga manonood ang biktima bago ito umalis doon.

Si Christian Pasno ay nakilala noon bilang kalahok sa season two ng The Voice Kids PH noong 2015 kung kailan siya ay onse anyos pa lamang. Umikot para kay Pasno ang 3 hurado ng awitin niya sa Blind Auditions ang “Ika’y Mahal Pa Rin” na pinasikat ng kapwa Batanguenyong si Jovit Baldivino.

Hinangaan ng mga hurado ang husay sa pag-awit ni Pasno.

Coach Sarah to Christian: “Grabeng talim ng boses mo, parang laser beam.”

Coach Lea: “Yung puso niya ang nangingibabaw. Meron kang ganon eh.”

Ngunit sa huli ay si Coach Bamboo ang kaniyang napili. Umabot sa Battle rounds si Christian Pasno ngunit hindi ito nakalusot sa next round.

Nagtapos ang The Voice Kids Season 2 na kung saan nahirang si Elha Mae Nympha ng Team Bamboo bilang grand winner.(Source: ABS-CBN News)

Read more: BATANGAS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *