ROSARIO: Digman Cafe “Sandosenang Sangkap Halo halo”

DIGMAN CAFE SANDOSENANG SANGKAP HALO-HALO

Sandosenang Sangkap Halo halo
Source: Digman Cafe

Tag-banas na naman mga kabarako! Usong-uso nanaman ang halo-halo na talaga namang patok na patok sa minindal. Bukod kasi sa pamatid uhaw tiyak na mabubusog ka rin sa mga sangkap nito.

Ang halo halo ay gawa sa shaved ice (kinaskas na yelo), asukal, at evaporated milk at mga pinaghalo-halong  sangkap tulad ng saging, gulaman, beans, monggo(red), garbanzos, sago, nata de coco, kaong, at pinipig.

Espesyal ng maituturing kung may halo pa itong halayang ube, leche flan, macapuno, at ice cream.

Subukan ang Sandosenang Sangkap Halo-halo ng Digman’s Cafe sa Rosario, Batangas na talaga namang pinagkakaguluhan at pinag- uusapan.

Ang Digman Cafe ay matatagpuan sa Barangay San Roque, Rosario, Batangas. Bukas sila mula Lunes hanggang Inggo mula 7AM hanggang 8PM.

Read more: BATANGAS EATS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *