Kilalanin ang viral “Little Raffy” ng Batangas

Little Raffy

Little Raffy
(Photo courtesy: sasafeed.com)

Usap-usapan ngayon sa social media ang isang batang lalaki matapos nitong mag-costume bilang Little Raffy Tulfo sa isang Halloween Trick or Treat Party.

Bagamat kaiba sa karaniwang halloween costumes na mga superheroes, multo, at movie characters, ang napili ng bata bilang inspirasyon ay ang kilalang Filipino broadcast journalist na si Raffy Tulfo.

Kilala sa industriya ng broadcasting bilang bahagi ng magkakapatid na Tulfo brothers, mas tumatak ngayong taon ang programa nito na “Wanted sa Radyo” at patok naman “Raffy Tulfo in Action” na mayroong 8.2Million subscribers sa Youtube sa kasalukuyan kaya naman nahirang siya bilang highest paid Youtube personality ng isang independent blog ngayong 2019.

Tulad ng karamihan, ang mga magulang ni Little Raffy ay tagahanga at masugid na tagasubaybay ni “Idol Raffy”.

Kaya naman ito ang naisip nilang costume para sa kanilang anak na kilalanin natin bilang Ethan Dei Reteracion na ayon sa aming source ay taga-Balagtas, Batangas City.

Little Raffy
Photo courtesy: sasafeed.com

Para lubos na magaya, suot ni Ethan ang madalas na outfit ni Raffy Tulfo na itim na polo shirt, pantalon, at salamin. Bukod dito, ay sinuot rin ni Ethan ang karton na nagsilbing studio nito na napapanood sa telebisyon na ikinatuwa ng marami.

Hindi naman nabigo si Ethan o Little Raffy na mapansin ng kanyang “Idol Raffy” sapagkat na-feature din ito kaagad sa kanyang programa.

Dahil sa labis na pagkatuwa ng batikang komentarista. Nagpasalamat ito at aniya ay “Siguradong malayo ang mararating mo.”

Panooring ang video mula sa News 5.

Read more: BATANGAS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *