LAUREL, BATANGAS: Ex-Vice Mayor Patay Matapos Atakihin Sa Puso Habang Nasa Miting De Avance

Matatandaang pumanaw din dahil sa katulad na kundisyon ang dating Gubernador ng Batangas na si Armand Sanchez nuong Abril, 2010. At ngay-oy nangyayari na naman…

Isang kilalang personalidad sa bayan ng Laurel ang sumakabilang buhay matapos tamaan ng atake sa puso habang nangangampanya sa kanyang mga kabayan.

Ex-vice mayor dies of heart attack in Laurel, Batangas…

Dahil diumano sa matinding banas at maghapong hinapo, ay inatake sa puso nuong Abril 23 ang dating vice mayor at ngay-oy natakbong konsehal ng bayan na si Florencio Villanueva, 53-anyos.

laurel ex vice mayor dies
Screengrab from CNN Philippines

Ayon sa CNN Philippines, naireport na nasa kasagsagan ng pangangampanya ang pulitiko nang bigla itong sam-an ng lasa at natumba sa mismong miting de avance sa Sitio Kulit, Barangay San Gregorio dakong 9 PM.

Naisugod pa diumano sa Laurel Municipal Hospital ang dating bise, nga laang ay hindi na ito umabot sa pagamutan – dead on arrival bandang 10 PM. Bago ang insidente, ayon sa kanyang mga kapartido, ay kanila nang napansin na tamlayin at parang masama ang pakilasa ng dating bise. Ayon sa ina ni Villanueva na si Teodora, may history ang kanyang anak ng mild stroke, mga dalwang bises na nangyari.

Samantala, ayon sa findings ng duktor, ang ikinamatay ni Villanueva ay kumpirmadong cardiac arrest (atake sa puso).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *