in , ,

LTFRB: 12 Modified Provincial Bus Routes in Regions 3 & 4A allowed to reopen starting September 30

12 MODIFIED PROVINCIAL BUS ROUTES IN REGIONS 3 & 4A, OPENING FROM SEPTEMBER 30

Labindalawang (12) modified provincial Public Utility Bus (PUB) routes ang bubuksan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) simula 30 Setyembre 2020.

Base sa Memorandum Circular 2020-051, maaaring bumiyahe ang mga PUBs na may valid at existing Certificate of Public Convenience (CPC) o Application for Extension of Validity, at nakarehistro sa Personal Passenger Insurance Policy ang bawat unit sa mga rutang nakapaloob sa MC ng walang Special Permit (SP). Ngunit kapalit ng SP ay ang QR Code na ibibigay sa bawat operator na dapat ilagay sa short bond paper at ipaskil sa PUB unit. Mada-download ang QR Code mula sa official website ng LTFRB (https://ltfrb.gov.ph/).

Bukod pa rito, may requirement ang mga operators na maglagay ng Global Navigation Satellite System para ma-monitor ang pagbiyahe ng mga naturang PUBs.

Ang mga sumusunod na modified provincial bus routes ay bubuksan sa mga PUB sa ilalim ng MC 2020-051:

1. San Fernando, Pampanga – Araneta Center, Cubao, Quezon City

2. Batangas City, Batangas – ParaƱaque Integrated Terminal Exchange (PITx)

3. Lemery, Batangas – PITx

4. Lipa City, Batangas – PITx

5. Nasugbu, Batangas – PITx

6. Indang, Cavite – PITx

7. Mendez, Cavite – PITx

8. Tagaytay City, Cavite – PITx

9. Ternate, Cavite – PITx

10. Calamba City, Laguna – PITx

11. Siniloan, Laguna – PITx

12. Sta. Cruz, Laguna – PITx

Ang mga ruta ay bunga ng komprehensibong pakikipag-ugnayan ng ahensya sa mga stakeholders, kabilang ang Local Government Units (LGU), terminal at bus operators. Ang mga nabanggit na ruta ay naaprubahan na ng mga LGU na may sakop sa mga ito.

Kasama sa mga napag-usapan ng LTFRB at LGU ang mga kundisyon sa pagbiyahe ng mga PUB unit sa kani-kanilang nasasakupan. Bawal ang pagbaba at pagsakay sa anumang parte ng Provincial Route maliban na lang sa mga itinalagang stopover points at terminal kung saan huling titigil ang mga PUB.

Para sa mga pasahero, kailangang magdala ng mga sumusunod para makasakay at makabiyahe sa mga Provincial Bus:

1. Travel Authority/Pass mula sa PNP sa terminal na panggagalingan ng pasahero;

2. Valid ID na may kalakip na importanteng impormasyon ng pasahero tulad ng Address/Place of Origin, Edad, at Lugar kung saan nag-aaral o nagtatrabaho;

3. Written Consent na pumapayag ang pasahero na sumailalim sa COVID-19 testing o magpa-quarantine sa terminal na pinagmulan at/o huling destinasyon sakaling ito ay kailanganin ng LGU;

4. Iba pang mga dokumentong kailangan ng Inter-Agency Task Force for Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) at local government unit.

Ang driver at mga pasahero ng PUB na tatahak sa mga provincial bus routes ay kinakailanganh sumunod sa mga alituntunin ng Inter-Agency Task Force for Emerging Infectious Diseases (IATF-EID), kabilang na ang pagsusuot ng face mask at face shield, pagdala at paggamit ng mga disinfecting agent tulad ng alcohol at sanitizer, at pagsunod sa 1-meter physical distancing.

Dadag pa riyan, pinagbabawal din ang pagkain, pag-inom, at pakikipag-usap sa kapwa pasahero o sa cellphone sa loob ng pampublikong sasakyan.

Batay sa MC 2020-051, kailangan makakuha ng trip ticket ang pasahero dalawang araw bago bumiyahe o mas maaga pa sa pamamagitan ng online facility o sa mismong bus terminal. Ipinagbabawal ang pagbili ng trip ticket sa araw mismo ng pagbiyahe maliban na lang kung ito ay isang emergency tulad ng problema sa pamilya o sa kalusugan.

Sasailalim sa regular monitoring ang lahat ng PUBs na bibiyahe sa mga modified provincial bus routes.

Pinapaalala ng LTFRB sa mga PUB na sundin ang mga patakaran ng ahensya. Ang sinumang mahuli na lalabag sa mga probisyon ng MC ay papatawan ng kaukulang parusa at multa, at maaaring tanggalan ng CPC o PA.

Source: LTFRB

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

GIPHY App Key not set. Please check settings

Loading…

0
Pacquiao McGregor

Conor McGregor is coming out of retirement for a boxing bout with Manny Pacquiao

Going BIKE-FRIENDLY at the SM Malls