in ,

Malacanang approves cityhood of Calaca, Batangas

Calaca Batangas now a Component City

Calaca City
Calaca Batangas now a component city

Pinirmahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Republic Act No. 11544 nitong May 26 na naglalayong gawing component city ang munisipalidad ng Calaca, Batangas.

Tanging plebisito na lamang mula sa mga residente ng Calaca ang natitira upang maging mabisa ang batas na isasagawa sa Calaca sa loob ng 90 araw mula sa pag-apruba ng batas.

Kapag naaprubahan ang conversion sa pamamagitan ng plebisito, ang Calaca ay magiging ika-limang lungsod ng lalawigan ng Batangas.

Sa kasalukuyan ang Batangas ay binubuo ng apat na lungsod (Batangas City, Lipa, Tanauan, at Sto. Tomas) at 30 munisipalidad.

Samantala, nakasaad naman sa batas na mananatili pa rin ang Calaca sa ilalim ng first legislative district ng Batangas.

Sa pamamagitan ng isang Facebook post sa kanyang official Facebook page ay kinumpirma ng alkalde ng Calaca na si Mayor Nas Ona ang balita ukol sa pag-apruba ni Pangulong Duterte sa pagiging component city ng kanilang munisipalidad.

 

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0
The Board Walk by Lago De Oro

The Board Walk by Lago de Oro, first-ever commercial mall to rise in Calatagan, Batangas

PCG Personnel returns wallet to OFW from Saudi Arabia