ALERT: Mga Dapat Tandaan Bilang Paghahanda Sa Lindol

Bilang paghahanda sa trahedya na dulot ng lindol. Narito ang mga dapat na malaman at tandaan sa panahon ng lindol.

Alamin ang detalye dine.

MGA DAPAT TANDAAN AT ISAALANG-ALANG SA PANAHON NG LINDOL…

Nakikiisa ho ang mga kabarako sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) at sa Department of National Defense (DND) sa Nationwide Simultaneous Earthquake Drill “Pagyanig Challenge” naganap ngayong Setyembre 28, 2016, 9:00 ng umaga.

14370134_1077676075661554_7755051132119858928_n

Ano nga ba ang mga dapat nating malaman para mapanatiling ligtas ang ating mga sarili at pamilya sa ganitong mga uri ng trahedya? Narito ho basahin natin.

fb_img_1475034796072-1.jpg

Paghahanda sa Lindol. Siguraduhing matibay ang pundasyon ng inyong basaysay at opisina, kung kaya baga nitong makatayo pa rin kahit hughugin ng lindol. Mahalagang malaman ang kondisyon nito, delikado na ito kung may bokbok na at inaanay. Sa mga nakasabit namang mga bagay sa kisame o sa dingding na maaring magpatak siguraduhin na maayos ang pagkakakabit. Ganun din sa mga gamit na nakasampa sa mga cabinet. Iwasang ilagay ang mga mabibigat na gamit sa mataas na parte ng cabinet, sa halip ay sa pinakailalim, at isalangsang ito ng maayos. Samantala, ibukod ng maayos ang mga nakakalasong kemikal (tulad ng mga muriatic acid, cleaning agent,atbp) at mga bagay na pwedeng magliyab (tulad ng gaas, gasolina atbp). Ugaliing isara ang tangke ng gaas matapos itong gamitin at siguraduhin din na maayos ang pinaglalagyan nito. Maging pamilyar sa mga emergency exits sa inyong opisina at gusali at sa bahay naman ay mahalagang isaalang alang ang mga posibleng alternatibong daan para maging evacuation route. Mahalagang makilahok sa mga emergency drills sa inyong komunidad para sa dagdag na kaalaman at epektibong paghahanda sa trahedya. Samantala, kakambal na kalimitan ng malakas na lindol ang insidente ng sunog, mahalagang matutunan din natin kung paano gumamit ng fire extinguisher kung mayroon man sa pinangyarihan ng sunog.

pass

Kapag Lumindol. Habang lumilindol mahalagang maging mahinahon. Umiwas sa mga bagay na madaling mabasag (tulad ng glass window at glass door), mabibigat, at maaring bumagsak(tulad ng mga nakasabit na chandelier). Gawin ang Duck, Cover, and Hold Technique: Yumuko, para sa base of support at balanse; Magtago, sa ilalim ng matibay na mesa; at Humawak, sa paa ng mesa. Kung wala namang mesa, pumunta sa matibay na bahagi ng bahay(na hindi posibleng gumuho), lumuhod o mag-squat, takpan ang ulo at batok ng iyong kamay. Kung nasa labas naman, maigeng lumayo sa mga poste, puno, gusali, pader na maaring matumba o bumagsak. Mainam na magtungo sa OPEN SPACE. Kapag nagmamaneho, itabi o ihinto ang salakyan. Huwag munang tumawid ng tulay, overpass, at flyover. Sa mga malapit naman sa dagat, mabilis na lumikas palayo dito at magtungo sa mataas na lugar dahil sa panganib ng tsunami na bihirang nangyari sa Batangas(ito ay depende kung ang epicenter ng lindol ay mula sa ilalim ng dagat).

fb_img_1475034791035-1.jpg

Pagkatapos ng Lindol. Mahalagang makalabas sa gusali at pumunta sa mga itinalagang Muster Point/ Evacuation Area, kung wala namang nakatalaga tulad ng mga nasa komunidad ay magtungo sa isang “Open Space” o bakanteng lote na ligtas sa anumang panganib mula sa babagsak na mga gusali, puno, o poste. Kailangan pa rin isaalang-alang ang posibilidad ng “aftershock” matapos ang lindol. Tulungan ang mga bata, matatanda, may kapansanan, at mga buntis na mailikas sa ligtas na lugar. Gumamit ng hagdan sa halip na elevator. Huwag nang magtangkang pumasok sa mga nasirang gusali. Suriin ang kalagayan ng sarili at pamilya kung nasa evacuation area o open space na. Kapag ligtas ng bumalik sa mga bahay, suriing mabuti ang linya ng tubig at kuryente, kapag may nakitang sira ay patayin ang main switch at ipaalam sa kinauukulan o sa mga taong pwedeng umayos nito. Kung nawalan ng kuryente, huwag muna gumamit ng kandila at gasera dulot ng panganib ng gas leakage na maaring maging sanhi ng sunog.

fb_img_1475034787831-1.jpg

Sana ho ay may natutunan ang ating mga kabatang. Ika nga ng NDRRMC at DND, “Ang Tamang Kaalaman ay Kahandaan”(Source:NDRRMC/DND)

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *