MGA GIANT PAROL INILAWAN SA ISANG BARANGAY SA BAUAN, BATANGAS

Sa dami ng mga ilaw at mga christmas display na makikita sa iba’t-ibang lugar, talaga namang ramdam na ramdam na ang kapaskuhan. At bilang tradisyon nating mga Pilipino, hinding hindi mawawala sa ating pasko ang makukulay na parol na syang sumisimbolo sa talang naging gabay ng tatlong haring mago upang matunton ang kinaroroonan ng sanggol na tagapagligtas nating lahat, si Hesus.

Bilang paggunita sa nalalapit na kapaskuhan, ibinida ng mga mamayan ng barangay San Roque sa bayan ng Bauan ang kanilang mga giant parol na likha hango sa mga recyclable at indigenous na mga materyales.

Ang parol making contest na ito ay pinangunahan ng Sangguniang Barangay at Sangguniang Kabataan ng barangay upang bigyang kulay ang kapaskuhan at maipakita ang pagkakaisa ng bawat residente ng barangay. Ayon sa barangay, ang adhikain ng patimpalak ay upang maipakita ang talento at galing ng mga residente sa sining, maipakita ang pagkakaisa nila bilang baranggay at upang makapaghatid ng mailaw at masayang pasko.

Maagang aguinaldo naman ang natanggap ng syam (9) na purok ng barangay sapagkat ang first prize ay nakatanggap ng 5,000 cash at playground package na itatayo sa purok ng mananalong parol. Ang second prize naman ay nag-uwi ng 3,000 cash at 1,500 naman para sa 3rd prize, at meron ding 500 pesos consolation prize ang mga parol na hindi nanalo upang pagkilala sa pagod at panahong ginugol ng mga residente upang maging maliwanag ang pasko ng kanilang barangay.

photo courtesy of Barangay San Roque Community Office

Ang mga naglalakihang parol ay kasalukuyang nakadisplay sa tabi ng highway sa Barangay San Roque Bauan, Batangas at nananatiling bukas sa publiko at magpapailaw sa darating na kapaskuhan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *