MPBL: Valenzuela Classic-Yulz Makakaharap ng Batangas City Athletics-Tanduay sa Best-of-3 Semis!!!

MPBL ANTA RAJAH CUP SEMIFINALS: VALENZUELA CLASSIC-YULZ VERSUS BATANGAS CITY ATHLETICS-TANDUAY

Bulacan Kuyas
Photo by: MPBL Official

Matapos ang mahabang holy week vacation ay balik aksyon ang Maharlika Pilipinas Basketball League(MPBL) para sa pagpapatuloy ng MPBL Anta Rajah Cup Quarterfinals nitong Martes ng gabi; April 03, 2018.

Nagharap ang koponan ng Valenzuela Classic-Yulz at Quezon City Capitals-Royal MNL sa first game para sa isang do-or-die match upang makuha ang semifinal spot para makalaban ang naghihintay na Batangas City Athletics-Tanduay.

MPBL LIVE!

April 03, 2018 (PLAYOFFS)KB Gym, Malolos BulacanQuezon CIty Capitals – Royal MNL VSValenzuela Classic – YulzSeries Tied 1 – 1

Posted by Maharlika Pilipinas Basketball League on Tuesday, April 3, 2018

Nagwagi ang Valenzuela sa score na 74-72 sa pangunguna ni former PBA player Paolo Hubalde na umiskor ng 21 points at nagrehistro ng 6 rebounds, 6 assists, at 4 steals para sa Classic-Yulz.

Valenzuela Classic Paolo Hubalde

Makakaharap ng Valenzuela ang Batangas sa Game 1 ng MPBL Anta Rajah Cup Semifinals ngayong Huwebes; April 05, 2018 sa homecourt mismo ng Athletics sa Batangas City Sports Coliseum sa ganap na alas-9:00 ng gabi.

Samantala natalo naman sa 2nd game ang Bulacan Kuyas-Ligo Sardines ng ParaƱaque Patriots-Gamboa Coffee sa mismong bahay ng mga Kuyas sa score na 77-70.

MPBL LIVE!

April 03, 2018 (PLAYOFFS)KB GYM, Malolos BulacanParanaque Patriots – Gamboa Coffee VSBulacan Kuyas – Ligo SardinesSeries Tied 1 – 1

Posted by Maharlika Pilipinas Basketball League on Tuesday, April 3, 2018

Pinangunahan ni Juneric Baloria ang ParaƱaque na nagtala ng 16 points, 8 rebounds, 3 assists. Makakalaban ng Patriots sa Semifinals ang Muntinlupa Cagers.

MPBL Anta Rajah Cup Semifinals

Read more: BATANGAS CITY ATHLETICS-TANDUAY

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *