CALATAGAN: Pampasaherong Bangka Lumubog; 57 Pasahero, 10 Crew, Nailigtas!!!

MV LUCKY BENJAMIN LUMUBOG, PASAHERO AT CREW NAILIGTAS!!!

MV Lucky Benjamin

Photo courtesy of Philippine Coast Guard(PCG)

Lumubog ang isang pampasaherong bangka sa karagatang pag-itan ng Calatagan, Batangas at Mindoro dahil sa lakas ng alon na dulot na rin ng masamang panahon nitong Biyernes dakong alas 2:00 ng hapon.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon ay nabutas diumano ang unahang bahagi ng MV Lucky Benjamin sa gitna ng dagat na tinatayang nasa 1 kilometro pa lang ang layo mula sa port.

Ang MV Lucky Benjamin ay patungo sanang Looc, Occidental Mindoro mula Batangas.

Dahil na rin sa di pa ito kalayuan mula sa Calatagan port ay naging mabilis ang pagsagip sa 57 pasahero at 10 crew nito.

Hindi man nakuha ang mga kagamitan mula sa bangka ay ligtas naman silang naibalik sa pantalan.

Read more: BATANGAS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *