NASUGBU: 5 Miyembro ng Robbery at Illegal Drug Group Patay sa Engkwentro

5 MIYEMBRO NG ROBBERY AND ILLEGAL DRUG GROUP, PATAY SA ENGKWENTRO

Limang hinihinalang miyembro ng robbery and illegal drug group ang patay matapos nilang maka-engkwentro ang Nasugbu Police nitong Miyerkules ng umaga.

Ayon sa pulisya naganap ang engkwentro sa Sitio Palakulan, Barangay Wawa sa bayan ng Nasugbu, Batangas dakong alas-6:00 ng umaga.

Isang search warrant operation ang gaganapin sana ng pulisya ngunit umalma ang mga ito at nanlaban na naging dahilan ng engkwentro.

Patay sa engkuwentro ang magkakapatid na sina Rudy Francisco, Roland Francisco at Rico Francisco at 2 pang kasamahan na nakilala bilang sina Arian Hernandez at alyas Scoth Pacia.

Dalawa pang suspek ang nahuli ng pulisya bukod sa mga napatay sa engkwentro.

Read more: BATANGAS NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *