Sariwa pa sa alaala ng mga Batanguenyo ang naganap na lindol nitong April 08, 2017, kung saan maraming gusali at ari-arian ng ating mga kabatang ang nasira. Labis rin ang pinsala na tinamo ng Basilica ng Immaculada Concepcion sa Batangas City kung saan gumuho ang mga bahagi ng simbahan. Gumuho rin ang malaking bahagi ng Mt.Maculot sa bayan ng Cuenca na naging dahilan para isarado muna ito sa publiko noong panahon ng semana santa. Nagdeklara rin noon ng state of calamity sa ilang mga bayan na labis na naapektuhan ng lindol.
Samut saring mga larawan ang ating nakita tungkol sa mga pinsalang naidulot ng lindol maging ang mga videos ng aktwal na pangyayari habang lumilindol. Ngunit kakaiba naman ang naranansan ng grupo ng mga scuba divers sa Mabini, Batangas ng panahong iyon.
PANOORIN: SCUBA DIVERS SA MABINI NAKUNAN NG CAMERA ANG PAGGALAW NG LUPA SA ILALIM NG DAGAT HABANG LUMILINDOL..
Nagsasagawa ng Technical Diving Training sa bayan ng Mabini Batangas noong April 08, 2017; araw ng Sabado, dakong alas tres ng hapon ang grupo nina kabatang Jan Paul Rodriguez nang maganap ang magkasunod na lindol na magnitude 5.6 (13.76°N, 120.92°E – 002 km N 68° W of Mabini, Batangas) bandang 3:07PM at nasundan kaagad ng magnitude 6.0 (13.70°N, 120.93°E – 006 km S 07° W of Mabini,Batangas) dakong 3:09PM.
Plano umano ng grupo noon na sumisid ng 42 meters deep na may 20 mins bottom time. Lumusong sila ilalim ng dagat ng 3:02PM at nang nasa bandang 18 meters deep na sila ay doon nila naranasan ang lindol o underwater quake.

Narito ang pahayag ng scuba diver na si Digoy sa isang panayam sa Newsflare.com:
“It felt like there was a huge propeller of a big boat turning around directly above us, we hear underwater the trembling of rocks under the ground and we felt the shock wave, it hurts our ears, feeling heavy breathing and sudden changes in pressure. The sea bed pumped up and down immediately followed by a strong shaking of the ground and the small rocks falling.”
Matapos ang nakakapangilabot na pangyayari ay nagdesisyon ang Team dive leader na ipagpaliban na ang diving activity ng grupo. Maswerte naman na walang nasaktan sa pangyayari.
Narito ang video na kuha ni Jan Paul Rodriguez ng nasabing pangyayari.
Barako PH is a Batangas-based digital marketing platform under Boomer Events and Production. The brand was created to promote and support local businesses in the Philippines through online marketing tools and services. Barako PH offers a wide range of services including website design and development, SEO, social media marketing, and online advertising. The company also provides a platform for businesses to connect with their customers and promote their products and services. Barako PH is committed to providing the best possible service to its clients and helping them grow their businesses.
GIPHY App Key not set. Please check settings