PBA in Batangas: Finest Marksmen Maglalaban-laban sa 3-Point Shootout Challenge

PBA THREE POINT SHOOTOUT CHALLENGE

PBA in Batangas 

Kaabang-abang ang magaganap na Three-Point Shootout Challenge ngayong darating na Biyernes sa Batangas City Sports Coliseum para sa Luzon leg ng PBA All-Star Weekend.

Maghaharap-harap ang mga pinakamatutukoy na 3-point shooters ng Pilipinas. Dedepensahan ni Allein Maliksi ng Blackwater Elite ang titulo bilang 3-point Shootout King ng PBA.

Napanalunan ni Maliksi ang titulo noong isang taon sa Lucena City matapos na maipasok nito ang kahuli-hulihang money ball para umangat sa top spot laban kina Terrence Romeo at sa pride ng Nasugbu, Batangas at Ginebra Ako ace point guard LA Tenorio.

Basahin: PBA All Star Week 2018 in Batangas City

Muling lalahok ang mga dati na ring kampeon na sina Romeo ng TnT Katropa at James Yap ng Rain or Shine Elasto Painters.

Mas magiging mabigat ang labanan ngayong taon sa Batangas City sa pagsali nina Marcio Lassiter ng San Miguel Beermen, Matthew Wright ng Phoenix, Paul Lee ng Magnolia Hotshots, JVee Casio ng Alaska Aces, Larry Fonacier ng NLEX Road Warriors, Stanley Pringle ng Globalport Batang Pier, Ronald Tubid ng Columbian Dyip, at LA Tenorio ng Ginebra Gin Kings.

Samantala kukumpletuhin naman ni KG Canaleta ng Meralco Bolts ang lineup bilang late replacement para kay injured player Garvo Lanete.

Bukod sa three-point shootout challenge ay makakasabay rin nito ang obstacle course, slam dunk contest, at ang paghaharap ng Luzon PBA All Stars laban sa Smart Gilas Pilipinas.

PBA in Batangas
Photo by Pranz Kaeno Billones

Read more: BATANGAS EVENTS

One thought on “PBA in Batangas: Finest Marksmen Maglalaban-laban sa 3-Point Shootout Challenge

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *