PBA IN BATANGAS: Beau Belga Nagwagi sa 2018 PBA All Star Obstacle Challenge!!

BEAU BELGA WINS OBSTACLE CHALLENGE

Beau Belga

Naiuwi ni Beau Belga ng Rain or Shine Elasto Painters ang Obstacle Challenge (Big men edition) trophy sa katatapos lang na 2018 PBA All-Star Week nitong nagdaang Biyernes na ginanap sa Batangas City Sports Center-Coliseum.

Si Belga ang naging pinakamabilis sa championship round ng skills competition na tinatapos ang obstacle track sa loob ng 21.7 seconds.

Pumangalawa si JP Erram ng Blackwater Elite na nagtapos sa 29.6 seconds, at pumangatlo ang naman ang ngayo’y residente na ng Bauan, Batangas na si Gabby Espinas ng San Miguel Beermen na natapos ang challenge sa loob ng 30.5 seconds.

Ilan sa mga naging kalahok ay sina Justin Chua ng Phoenix Fuel Masters, Kelly Nabong ng Globalport Batang Pier, Yousef Taha ng TnT KaTropa, Russel Escoto ng Columbian Dyip, Sonny Thoss ng Alaska Aces, Aldrech Ramos ng Magnolia Hotshots, Ken Bono ng Meralco Bolts, Asi Taulava ng NLEX, at Raymond Aguilar para sa Ginebra.

Muling panoorin ang 2018 PBA All Star Obstacle Challenge.

Bukod sa trophy ay naiuwi ni Belga ang P30,000 cash prize.(Source: PBA.ph)

Si Beau Belga ay nakapangasawa ng isang Batanguenya sa katauhan ni Queenie Manalo-Belga na anak ni Mayor Manalo ng bayan ng Lobo, Batangas.

Read more: PEOPLE

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *