SAN LUIS: Kabanal Banalang Puso ni Hesus Bukas na sa Publiko!!!

KABANAL BANALANG PUSO NI HESUS…

Kabanal Banalang Puso ni HesusPormal ng binuksan sa publiko nitong nagdaang March 17, 2018 ang Kabanal Banalang Puso ni Hesus, ang pinakabagong pook dasalan na matatagpuan sa Barangay Luya, San Luis, Batangas.

Tampok sa pook dasalan na ito ang higanteng imahe ng Sacred Heart of Jesus na may taas na 80 feet.

Habang inaakyat ang bundok na ito na tinatayang nasa 700 feet ang taas ay maaring mag-station of the cross bago marating ang higanteng imahe. Isang napakagandang tanawin din ang matutunghayan sa tuktok nito.

Samantala labis naman ang galak ni Archbishop Ramon Arguelles ng pormal ng mabuksan ang nabanggit na pook dasalan.

Thanks to Almighty God and to the Capt Victor & Melanie Corales Family, another place of prayer and meditation has risen in Batangas Province. The fruit of the Sacred Heart’s many blessings and signs of endearment to the Coraleses, San Luis, Batangas, becomes another beautiful destination for wholesome tourism. The Luya mountain is both religious and scenic. Hopefully the youth of San Luis will rediscover their roots and history and express them in folkloric music and dance. God bless the people of San Isidro Parish shepherded with Christ by Fr Sam Titular. My earnest prayer is that the rest of Batangas will follow their example and determination to manifest the province’s love for God, for His Creation, for this country and people.-Archbishop A

Photo by: Archbishop Ramon Arguelles

Ang Kabanal banalang Puso ni Hesus ay pinatayo ng mag-asawang sina Capt Victor at Melanie Corales bilang pasasalamat umano sa matagumpay at ligtas na paglalayag ni Captain Victor kay Hesus na minsan na rin daw nagparamdam sa kanila.

May mga ilang deboto na rin umano ang nagsasabing sila ay pinagaling ng kanilang pananampalataya ng sila ay magtungo sa Kabanal banalang Puso ni Hesus.

Panoorin ang video sa ibaba.

Read more: BATANGAS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *