SPOTTED: Angel Locsin Spotted Sa The Farm At San Benito (Flaunts Bikini Bod And Short Hairdo)

Spotted si Angel Locsin at BFF nitong si Bubbles Paraiso sa the Farm at San Benito sa Lipa City, Batangas. Tatlong linggo ang nakakaraan nakita naman sila na umakyat sa Mt. Maculot sa Cuenca, Batangas.

Alamin ang detalye dine.

ANGEL LOCSIN SPOTTED SA THE FARM AT SAN BENITO, LIPA CITY, BATANGAS…

Matapos ang pag-akyat ng aktres na si Angel Locsin kasama ang kanyang mga kaibigan at kasamahan sa Showbiz sa tuktok ng Mt. Maculot sa Cuenca, Batangas mahigit 3 linggo na ang nakakalipas ay muli siyang nagbalik sa Lipa City, Batangas para mag-relax naman sa the Farm at San Benito.

Inumpisahan ni Angel Locsin ang kanyang bagong taon sa pag-akyat nito sa mga bundok sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas. Isa na rito ay ang Mt.Maculot sa Cuenca, Batangas.

Tila nakakuha ng inspirasyon at motibasyon ang aktres sa ganda ng tanawin ng Maculot na tanaw na tanaw ang Taal Lake. Narito ang kanyang nasabi sa Instagram account na @therealangellocsin  “I can feel that this year is going to be one big adventure.”

Samantala naging viral naman sa social media ang mga larawan niya sa the Farm at San Benito kasama ang itinuturing na BFF na si Bubble Paraiso. Muling nasilip ng publiko ang bikini bod ng 2-time FHM Philippines No.1 sexiest woman.

R&R weekend getaway with my "alleged lover", @bubblesparaiso ????

A photo posted by Angel Locsin (@therealangellocsin) on

Just keep swimming… ????????‍♀️

A photo posted by Angel Locsin (@therealangellocsin) on

Marami naman ang tila nagulat sa maiksing buhok nito ngayon, ngunit gayunpaman ay hindi naman naging kabawasan ito sa likas na kagandahan ng dalaga.

????????????????‍♀️????????‍♀️

A photo posted by Angel Locsin (@therealangellocsin) on

Patuloy na inaabangan ng mga taga-hanga ng aktres ang muling pagganap nito bilang Darna na muling isasapelikula.

Para sa mga ka-Batang na nais magpunta sa the Farm at San Benito narito ang kanilang website: www.thefarmatsanbenito.com. Panoorin ang short video tungkol sa lugar.

Napakaganda talaga ng Batangas kaya binabalik-balikan. Kaya kabatang sinsay na sa Batangas at huwag maging dayuhan sa sariling bayan. #richBatangas

 

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *