Spotted in Batangas kamakailan ang isa sa pinakasikat na loveteam ngayon sa telebisyon na “JaDine,” o ang tambalang binubuo ng real life couple na James Reid at Nadine Lustre.
Alamin ang detalye.
TAMBALANG JADINE SPOTTED SA TALI BEACH, NASUGBU, BATANGAS…
Nitong Biyernes ay pormal ng nagtapos ang teleserye ng tambalang Jadine na “Til I met you” sa Kapamilya Network. Ito ay tumagal ng halos 5 buwan sa telebisyon na nagumpisang ipalabas noong August 29, 2016 at natapos nitong January 20, 2017.
Ang teleseryeng ito ay ang kauna-unahan nilang teleserye bilang totoong magkasintahan matapos ang kanilang pag-amin tungkol sa totoong estado ng kanilang relasyon sa “Jadine in Love”concert noong Pebrero 2016. Spotted in Tali Beach, Nasugbu, Batangas ang dalawa nitong nagdaang linggo para magbakasyon. Sa larawang nai-post ng dalaga sa kanyang Instagram account na @nadzlustre ay kapansin-pansin ang pagiging sweet ng dalawa sa loob ng sasakyan habang nagmamaneho ang aktor sa nasabing lugar.
Naging kasama ng dalawa ang ilan sa mga malalapit na kaibigan at kapamilya na nagbakasyon.
https://www.instagram.com/p/BPkGlUFgYwu/?taken-by=nadzlustre
Sa instagram post naman ng kapatid ni James Reid na si Lauren Reid na @laurenreidabook, ipinasilip ng Top 3 FHM Philippines sexiest woman of 2016 na si Nadine Lustre ang kanyang napaka-sexy na katawan kasama si Lauren na isa ring modelo at aktres.
Instagram: @laurenreidabook “Just a couple of fish in the sea.”
Kapansin-pansin naman ang pag-e-enjoy ni James Reid sa pagligo sa Tali Beach kung saan nakuhanan ito na nag-back flip pa mula sa isang cliff sa may dagat pabagsak sa napakalinis na tubig ng beach na ito sa Nasugbu.
Sa sunod na larawan naman na ito sa ibaba ay inilabas naman ni James ang kanyang kakulitan.
Ang aktor ay bahagi rin ng sikat na sikat na jingle ngayon ng Milo Philippines kung saan siya ang umawit nito. So paano kabatang, garne siguro dapat palagi para ma-BEAT ANG ENERGY GAP!! =)
Barako PH is a Batangas-based digital marketing platform under Boomer Events and Production. The brand was created to promote and support local businesses in the Philippines through online marketing tools and services. Barako PH offers a wide range of services including website design and development, SEO, social media marketing, and online advertising. The company also provides a platform for businesses to connect with their customers and promote their products and services. Barako PH is committed to providing the best possible service to its clients and helping them grow their businesses.
GIPHY App Key not set. Please check settings