STO TOMAS: Justin Brownlee Returns For Another Feeding and Gift-giving Program

JUSTIN BROWNLEE BACK IN STO TOMAS, BATANGAS

Justin Brownlee
Source: [email protected]

Hindi man pinalad na makapasok sa PBA Governor’s Cup 2018 Finals ang koponan ni Justin Brownlee na Barangay Ginebra San Miguel ay tuloy pa rin ang kanyang pagbabalik sa Sto Tomas, Batangas para muling magsagawa ng Feeding and Gift-giving program.

Ang 3x PBA Champion import at soon-to-be naturalized Filipino na si Brownlee ay nahirang din ngayong 2018 season bilang Best import sa PBA Comissioner’s Cup kung saan nabuhat niya ang Ginebra para makuha ang kampeonato.

Noong isang taon inumpisahan ni Brownlee ang kanyang thanksgiving act na ito kung saan marami rin ang nagsipagdalo.

Kasama ang kanyang manager/agent na si Sheryl Reyes at ilang mga kaibigan ay tumungo ng Sto Tomas, Batangas si Justin para maisagawa ang Meet and Greet sa San Jose National Highschool, Feeding and gift-giving sa Barangay San Bartolome, at nakibahagi rin siya sa Drug Awareness Campaign sa Saint Thomas Academy nitong November 23, 2018.

View this post on Instagram

I love you Santa Tomas!

A post shared by Justin Brownlee (@magicbrown32) on

Read more: PEOPLE

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *