TAAL, BATANGAS: Kubrador Ng STL, Itinumba Sa Tatlong Maria

Ari’y may alitan malamang…

Timbuwang sa Brgy. Tatlong Maria ang isang magpapataya ng STL matapos tambangan ng mamamaril pasado alas 10:30 ng umaga nitong nakaraang Sabado sa bayan ng Taal.

Shooting incident in Brgy. Talong Maria, Taal (Batangas)…

Kinilala ang biktima na si Francisco Brosoto, 45-anyos, residente ng nabanggit na barangay.

Ayon sa report ng Tempo Online, akmang sasakay ang biktima sa kanyang mutor ng biglang dinaisan ng hindi pa nakikilalang suspek at biglang pinagbabaril ang biktima. Mabilis ding pumulas si amugong matapos isakatuparan ang masamang balak.

Samantala, nagawa pang maisugod sa ospital ang biktima nga laang ay dead on arrival din ang inabot ng kubrador.

Dalwang basyo ng bala at isang tingga ng kalibre-45 baril ang nakuha sa lugar na pinangyarihan ng krimen. Kasalukuyan pang inaalam diumano ng mga pulis ang motibo sa pagpatay kay Brosoto.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *