TANAUAN CITY, BATANGAS: Nahuling Serial Rapist Ipinarada Ni Mayor Halili Sa Palingke!

Kakaiba ding mamalakad ng bayan aring si Mayor Antonio Halili ng Tanauan eh!

Ilang bises na nareng nakabangga ang Commision On Human Rights (CHR) subalit tuloy pa din ang gawaing ari ng istriktong mayor. Dahil sa ugaling ari ng mayor, siya ngay-on ay ikinukumpara kay Mayor Duterte sa pagpapatupad ng batas sa Tanauan City.

Tanauan City Mayor Halili to serial rapist: Walk of shame sa bayan…

May bago na namang ipinarada sa palingke at sa bayan aring si mayor. Nahuli diumano ng taumbayan ang isang pinaghihinalaan (at inirereklamong) serial rapist sa maunlad na syudad ng Tanauan at ari ang kanyang sinapit.

Ayon sa report ng Kicker Daily News, kinilala ang suspek sa pangalang Basilio Riparip na inirereklamo sa tatlong kaso ng rape sa Brgy. Balete. Si Basilio ay nakuhanan din ng video na umaamin kay Mayor Halili sa mga kamunduhang kanyang nagawa sa mga babaysot ng nayon.

Sa tulong ng mga tawo sa barangay ay nadakip si Basilio sa pamamagitan ng tinatawag na “citizen arrest” ng mga kagawad, kasama ang ilang anti-crime task force ni Mayor Halili.

Sa videong nasa ibaba ay makikita ang suspek na pinalalakad sa kabayanan at palingke ng Tanauan habang nakahubad at may suot na plakard na may nakasulat na: AKO AY RAPIST! WAG NYO AKO TULARAN!

Sa ngay-on ay may mga dinidinig pa ding mga kaso si Mayor Halili hinggil sa mga nakaraang “walk of shame” na pinagawa niya sa mga kriminal na nahuli sa kanyang syudad. Matatandaang minsan na siyang nakapagparada ng mga magnanakaw (ng hawot at kable) sa kabayanan at palingke ng Tanauan City nuong 2014 at 2015.

Samantala, ari naman ang resbak ni Mayor Halili sa CHR:

“Gawin lang nila trabaho nila at ako nama’y gagawin ko ang trabaho ko para maayos ko tong bayan ko”

Sa kabila ng mga batikos sa garneng istayl ng pamamahala, ang gusto laang daw ni Mayor Halili ay ang magkaroon ng tahimik at ligtas na syudad para sa mga Tanaueños. At dahil dine, umani ng papuri at suporta sa napakaraming netizen ang gawing ari ng Mayor. Kataasan ay ang CHR pa ang naging tampulan ng mura at batikos sa huli. 😀

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *