Temporary Total Ban on Entry of Pork Products in Batangas

Temporary Total Ban on Entry of Pork Products

Kasalukuyang ipinatutupad ngayon sa Lalawigan ng Batangas ang “Temporary Total Ban on Entry of Pork Products” sa bisa ng memorandum circular no.3 na inilabas kahapon October 21, 2019 ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas.

Ito ay bilang pag-iingat sa publiko dahil sa dumarami ng kaso ng African Swine Fever o ASF na kamakailan nga ay may mga kaso na ng ASF sa lalawigan ng Cavite. Kaya naman layunin ng memorandum na huwag tuluyang makapasok ito sa Batangas.

Dahil dito ay pansamantalang pinagbabawalan muna ang pagpapasok ng mga pork products sa lalawigan mula sa ibang lugar.

Lahat ng mga transport carriers, closed vans, maging ang mga feed ingredients carriers ay sasailalim sa inspeksyon mula sa Office of Provincial Veterinarian bago makapasok ng lalawigan.

Samantala, wala pang petsa na inilalabas sa kasalukuyan kung hanggang kailan tatagal ang temporary total ban para sa pagpasok ng mga pork products sa lalawigan.

Sa kasalukuyan, ang lalawigan ng Batangas ay ligtas at nanatiling ASF FREE.

Basahin ang nilalaman ng Memorandum Circular No.3 sa ibaba.

FOR STRICT IMPLEMENTATION IN THE PROVINCE OF BATANGAS

Memorandum Circular No. 3

“Temporary Total Ban on Entry of Live Hogs, Pork and Formulated Swine Feeds; Prohibition of Swill Feeding; and Implementation of Restrictive Measures on Entry of Imported Pork and Processed Products in the Province of Batangas”

Read more: BATANGAS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *