Nagviral sa Facebook ang post ng page na Philippine trends and news noong January 29, 2018 tungkol sa isang matanda na humihingi ng tulong para makauwi ng Batangas.
Ayon sa facebook post ang matanda ay nagngangalang Alfred na natagpuan sa may Commonwealth sa Quezon City. Kapansin-pansin sa larawan ang tila di magandang kondisyon ni Mang Alfred.

Samantala, sa isang post naman sa kanyang official twitter account ng kilalang volleyball player na si Kim Fajardo na tubong-Calatagan, Batangas ay ibinahagi niya ang screengrab ng nasabing facebook post at sinabing tiyuhin umano niya ang matanda.
Ayon sa former De La Salle University Lady Spiker tumugma raw kasi ang pangalan ng matanda at probinsyang binaggit nito at higit sa lahat ay may pagkakahawig rin sa mga kamag-anakan niya ang matandang nasa larawan.
Ang tiyuhin umano na tinutukoy niya ay tatlong dekada ng nawawala kaya naman ng makita nila ang post ay hinanap nila ito kaagad sa lugar na nabanggit ngunit sa kasamaang palad ay hindi nila natagpuan kaya humingi na rin siya ng tulong sa pamamagitan ng pagpost noong February 05, 2018 sa kanyang official twitter account nito na @kimfajardo9 na mayroong mahigit 204K followers.
My tito has been missing for more than 3 decades now. This morning, our family saw this on Facebook. Tama name and province niya and kamukha niya relatives ko. Hoping he's my tito. Please help us look for him. Umikot na kami ng Commonwealth earlier pero wala. Thank you so much. pic.twitter.com/Ooh8rYWzpQ
— Kim Fajardo (@kimfajardo9) February 5, 2018
Mabilis na kumalat ang balita tungkol kay Mang Alfred kaya naman noong February 06 2018 ay kanila itong natagpuan at muli nilang nakapiling ang nawawalang tiyuhin matapos ang tatlong dekada.
We finally found him this afternoon. Confirmed, he’s Tito Fredie. Kasama na namin siya ngayon after 32 years. Maraming salamat sa lahat ng tulong, especially to Anna, who posted on Facebook. Thank you for all the prayers!
— Kim Fajardo (@kimfajardo9) February 6, 2018

Read more: PEOPLE
Barako PH is a Batangas-based digital marketing platform under Boomer Events and Production. The brand was created to promote and support local businesses in the Philippines through online marketing tools and services. Barako PH offers a wide range of services including website design and development, SEO, social media marketing, and online advertising. The company also provides a platform for businesses to connect with their customers and promote their products and services. Barako PH is committed to providing the best possible service to its clients and helping them grow their businesses.
 
  
 

 
 
GIPHY App Key not set. Please check settings