BATANGAS CITY TANDUAY ATHLETICS WAGI KONTRA MAKATI SKYSCRAPERS

Naitawid ng Batangas City Tanduay Athletics para makuha ang ikalawang panalo sa MPBL Datu Cup mula sa nakakasakal na depensa ng Makati Skyscrapers kagabi sa harap ng mga Batanguenyo fans sa Batangas City Sports Coliseum.
Nagtala ang Athletics ng 30 turnovers sa kabuuan ng laro at 36 puntos naman mula sa turnovers ang nai-convert ng Makati mula rito.
Muling nagbabalik para sa Batangas si Jhaymo Eguilos na nagkaroon ng MCL injury kaya hindi nakapaglaro sa mga nagdaang games ng Batangas. Nakapagtala si Eguilos ng 17 points, 10 rebounds, at 1 assist sa kanyang MPBL Datu Cup debut game.
Hinihintay pa rin kung kailan muling makakalaro ang inaugural MPBL MVP na si Val Acuña na sumailalim sa isang surgery para sa daliri nito ayon sa ulat.
Samantala, dahil sa higpit ng depensa ng Makati, malaking papel ang ginampanan ng mga point guard ni Coach Mac Tan.
Si Lester Alvarez ay nakapagtala ng 12 points, 3 assists, at 2 steals at Best player of the game naman si “Bernabe Teytey” Teodoro na kumamada ng 19 points, 4 rebs, 2 assist na may 5-10 3pt FG o 50% 3pt FG percentage.
Naging madag-im man at maulap dahil sa turnovers na dulot ng matinding depensa ng Makati. Kaunting daylight o sinag laang mula sa rainbow country ang kinailangan ni Teodoro sa huling bahagi ng laro para maipukol ang dalawang tres at maiseguro ang ikalawang panalo ng Batangas City Tanduay Athletics sa iskor na 72-65.
Read more: BATANGAS CITY TANDUAY ATHLETICS
To God be the glory
Head Publisher Barako PH
 Brand manager, SEO Content Writer, Digital Marketer, Radiojock, Content Creator, Event Organizer
 
  
 

 
 
GIPHY App Key not set. Please check settings