in ,

Ang Subli at Ang Mahal na Poong Sta Cruz

ANG SUBLI AT ANG MAHAL NA POONG STA CRUZ

Mahal na Poong Sta Cruz
Photo credits: Belmor Arano

Tuwing Mayo 1 at 2 ang mga bayan ng Alitagtag at Bauan ay nagdiriwang ng Anubing Sublian Festival upang magbigay parangal sa Mahal na Poong Sta Cruz. Ang pagdiriwang na ito ay kinatatampukan ng pagsasayaw ng Subli, isang sayaw na nagbibigay pugay sa Mahal na Poon.

Ang debosyon sa Mahal na Poong Sta.Cruz ay nagumpisa noong huling bahagi ika-16 na siglo nang ang isang poste ng bahay na gawa sa Anubing, local hardwood ay ginawa bilang isang higanteng krus. Itinayo ang krus na ito sa lugar na tinatawag na Dingin, isang baryo sa lawang baybayin ng Alitagtag.

Itinayo ang krus upang maprotektahan ang mga taong naninirahan doon mula sa mga multo at ang nagbabantang pagsabog ng Bulkang Taal. Nailipat din ang krus sa lugar na tinatawag ngayon na Binukalan.

Ayon sa kwento noong panahong iyon ay may mag-asawa na nakatira malapit sa kinaroroonan ng krus. Ang lalake na nakilala bilang si Arsenio ay malupit at magsusugal, walang trabaho at alila ang turing sa kanyang asawa na si Juliana, maging ang pag-iigib ng tubig sa lawa ay ipinapagawa nito sa kanya.

Araw-araw si Juliana ay laging dumaan sa higanteng krus upang ipanalangin ang kanyang asawa. Isang araw sa kanyang pagbisita tumambad sa kanyang mga mata ang isang himala, ang tubig ay lumabas mula sa gilid ng krus, na tila ginawa para sa kanya para madaling makakuha ng tubig.

Nalaman ni Arsenio na ang kanyang asawa ay madaling nakakakuha ng tubig hanggang sa paghinalaan na niya ito na baka may lalakeng tumutulong dito.

Sa labis na pag-iisip na baka ang asawa ay nanlalaki. Sinundan niya ito at nakita niya mismo ang himala ng krus. Buhat noon ay naging mabait na sa kanyang asawa ang lalake at naging deboto na ng Banal na Krus.

Kumalat ang balita tungkol sa himala at umabot ito sa mga prayle, nagpasya silang kunin ang krus at dalhin ito sa kanilang mga parokya. Sinubukang hugutin ng kura paroko(parish priest) ng Taal ang krus mula sa lupa subalit tila lumalaban umano ang krus dahil hindi nila ito magawang hugutin. Isa pang pari mula sa parokya ng Taal ang sumubok subalit tila natigilan ito dahil sa kulog at kidlat kaya’t hindi na nagpatuloy.

Ngunit noong pagkakataon na ng kura paroko(parish priest) ng Bauan ay nanalangin muna ito at hinayaan ang mga lokal na residente doon na sumayaw ng Subli para sa Poon. Ang krus ay madaling nahila mula sa lupa kung kaya naman ang parokya ng Bauan ang naipahayag bilang tahanan ng Mahal na Poon ng Sta Cruz.

Maraming mga himala ay iniugnay sa Banal na Krus, sa katunayan dahil sa kanyang himala maraming insidente na tinapyas o piningas ang tagilirang bahagi ng Poon kaya naman nagpasya na takpan ang mga panig ng pilak upang protektahan ang Krus.

Nang ang Alitagtag ay nahiwalay mula sa bayan ng Bauan dahil na rin sa pagsabog ng Bulkan ang mga tao ng Alitagtag ay nagpasya na magkaroon ng isang bahagi ng Banal na Krus para sa bayan ng Bauan kaya ang higanteng krus ay naging dalawang Banal na Krus na kilala bilang Magkapatid na Krus.

Simula noon isang tradisyon na nakilala bilang Salubong ang isinasagawa, kung saan ang dalawang Magkapatid na Krus ay nagtatagpo sa Barangay Concordia tuwing ika-2 Mayo ng umaga.

Ang Mahal na Poon ng Bauan at ng Alitagtag ay inilalagay sa isang float at dadalhin patungong Binukalan kung saan isang Misa, Luwa(pagtula) at Subli(sayaw) ang isinasagawa para sa Poon.

[ae-fb-embed url=’https://www.facebook.com/angbayankoalitagtagbatangas/videos/1640134019345061/’ width=’500′]

Sa hapon, ang Magkapatid na Poon ay ilalagay sa float upang dalhin naman patungong Bauan. Sa tabing-daan ay nagaabangang mga deboto para sa Poon kung saan hinahagisan nila ito ng mga bulaklak.

[ae-fb-embed url=’https://www.facebook.com/ICPBauan/videos/1954711937895129/’ width=’500′]

Sa pagsapit ng motorcade sa Manghinao bridge, ang dalawang Krus ay ipprusisyon na papunta sa Bauan town proper at sa patio ng simbahan. Nagaabang na ang mga mananayaw ng Subli mula sa Barangay Sinala, Bauan gayundin ang mga mag-aaral mula sa elementarya hanggang kolehiyo na sasayaw din ng Subli bilang parangal sa Mahal na Poon ng Sta. Cruz.

Ang Fiesta ng Bauan ay ipinagdidiwang tuwing May 03.

(Sources: Eric Belmor Arano)

Read more: BATANGAS FESTIVAL

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0
Bong Galanza

Bong Quinto Pansamantalang Magpapaalam sa Batangas City Athletics-Tanduay, Ex-PBA Player Posibleng Pumalit!!!

Dawn Macandili

Batanguenya Dawn Macandili Bags UAAP Season 80 Women’s Volleyball Finals MVP Award!!!