Marami ang humanga sa husay ni Joshua Garcia na mula Bauan, Batangas sa pagganap nito bilang Joseph sa episode ng drama television series na “The Good Son” nitong Biyernes ng gabi sa Kapamilya network.
Sa Friday night episode, nasa bingit ng kamatayan si Racquel (Mylene Dizon), ina ni Joseph (Joshua Garcia) na mahulog mula sa mataas na building matapos na maitulak ni Dado (villain, Jeric Raval). Sinubukan na pigilan at sagipin ni Racquel si Enzo (Jerome Ponce) sa kapahamakan mula sa kamay ni Dado ngunit siya ang nalagay sa alanganin.
Sinubukang sagipin ni Joseph ang kanyang ina na nagawang hawakan ang kamay ni Racquel.
“Kapit lang, Ma. Kaya niyo ‘yan, “Hawak kita. Kaya niyo ‘yan. Kaya natin ito. Hindi kita bibitawan..”umiiyak na sinabi ni Joseph.
Dahil sa alam ni Racquel na labis na ring nahihirapan ang anak sumagot ito na, “Anak, nahihirapan na ko. Nahihirapan ka na. Tama na,” at tuluyang bumitaw ito sa pagkakahawak sa anak.
Dahil sa nangyari, sinisi ni Joseph ang sarili sa pagkamatay ng kanyang ina at umabot pa sa punto na inagawan niya ng baril ang isang pulis at nagtangkang magpakamatay. Mabuti na lamang at napigilan ito ng kanyang lolong si Matias(Ronnie Lazaro).
Naging usap-usapan ang episode at si Joshua kaya naman nagtrending sa Twitter ang official hashtag ng episode na #TGSTragedy biyernes ng gabi hanggang Sabado ng umaga

Umani ng mga positibong reaksyon sa social media ang husay ng aktor sa pagarte. Isa na diyan si Vice Ganda na pinuri si Joshua at kasamahan nitong aktor na si Mccoy.
???????????????????? @hashtag_mccoydl @iamjoshuagarcia !!!!! Ang husay! Its a YES for me. See you sa next round!
— jose marie viceral (@vicegandako) March 23, 2018
Narito naman ang ilan pang tweets ng mga fans para kay Joshua.
Tonight was one of JOSHUA GARCIA’s finest moments in his acting career. You deserve a standing ovation! ANG GALING! Your acting is becoming a brand! Joshua Garcia has a long way to go!!! Nawindang ako sa acting mo tonight, bravo!!! #tensionturnedintotears #THEGOODSON #TGSTragedy pic.twitter.com/bQM4SVE9rB
— Mark Saavedra (@saavedra_mark) March 23, 2018
https://twitter.com/rhendeer/status/977334457064501248?s=19
Best actor joshua Garcia#TGSTragedy pic.twitter.com/p8g6Emk1RD
— vangielicayan (@vangielicayan) March 23, 2018
Joshua Garcia everyone, he never failed to amaze us, he’s acting is heart felt. I cry the moment I saw you cried because I felt your pain, I can feel every inch of your emotions and my heart is breaking. You’re so good and indeed the best! iamjoshuagarcia #TGSTragedy pic.twitter.com/Xzg9c0dQge
— MTD Crunchies (@mtdlovecrispy) March 23, 2018
Joseph why so galing? @iamjoshuagarcia #TGSTragedy pic.twitter.com/BorIA22MjZ
— April Peng Ramos (@iampengramos) March 23, 2018
Ang “The Good Son” ay mapapanood sa Kapamilya network gabi-gabi sa Primetime Bida pagkatapos ng “Bagani.”
Read more: Joshua Garcia
Barako PH is a Batangas-based digital marketing platform under Boomer Events and Production. The brand was created to promote and support local businesses in the Philippines through online marketing tools and services. Barako PH offers a wide range of services including website design and development, SEO, social media marketing, and online advertising. The company also provides a platform for businesses to connect with their customers and promote their products and services. Barako PH is committed to providing the best possible service to its clients and helping them grow their businesses.
GIPHY App Key not set. Please check settings