Spotted sa Anilao, Mabini, Batangas nitong Pasko ang “Lizquen” o ang tambalang binubuo nina Liza Soberano at Enrique Gil.
Ang dalawa ay napabalitang magkasamang nag-celebrate ng Pasko sa Batangas kasama ang pamilya ng aktor at ilang mga kaibigan at katrabaho sa showbiz. Alamin ang detalye.
LIZQUEN MAGKASAMANG NAGDIWANG NG PASKO SA ANILAO, MABINI, BATANGAS…
Tila gumaganda at lumalalim ang pagsasama ng kakahirang lang na Lionheartv.net RAWR Awards’ Most Popular Loveteam of the year (2016) na “LizQuen”.
Ang tambalang binubuo nina Liza Soberano at Enrique Gil ay nagkamit din ng kani-kanilang indibidwal na parangal bilang Favorite Actress and Actor of the Year at ang mga Lizquen fans naman ay nahirang din bilang Fan Club of the year sa nabanggit na Rawr Awards.
 (Photo courtesy of Lionheartv.net)
(Photo courtesy of Lionheartv.net)
Malalim at maganda, tulad ng scuba diving bonding experience ng rumored couple sa Anilao, Mabini, Batangas kasama ang mga kapamilya ng aktor at mga kaibigan sa showbiz.
https://www.instagram.com/p/BOhDo5eFCM5/
Base sa mga instagram post ng kanilang “Dolce Amore” co-star na si Jeffrey Tam masayang nag-scuba diving ang Lizquen at sumisid ng 30feet sa ilalim ng dagat.
https://www.instagram.com/p/BOhHNH_FfDu/
Sa larawan sa ibaba, makikita na kasama ng aktres, na number 2 sa Top 10 World’s Most beautiful women of 2016 ng wonderslist.com, ang pamilya ni Enrique.
https://www.instagram.com/p/BOc0zFdlezQ/
Ngunit, dahil sa bagyo na tumahak sa Batangas kung saan umabot ng TCWS #3 ang probinsya ay hindi rin pinalampas ni #NinaPH na mabiktima ang grupo ng brownout. Ngunit kapansin-pansin pa rin na positibo nila itong hinarap sa groupie pics na ito sa ibaba.
https://www.instagram.com/p/BOfIG9NlAy2/
https://www.instagram.com/p/BOe_XjSAAfV/
Ayon sa huling panayam kay Enrique ng ABS-CBN News, inilarawan ng aktor ang lagay ng relasyon nila ni Liza bilang “almost like a couple”. Dahil hinihintay na lang umano ng dalawa ang basbas ng kani-kanilang pamilya.
https://www.instagram.com/p/BOhYkE4j1Fg/
Samantala, inaabangan naman ng mga Lizquen fans ang pinakabagong pelikula ng dalawa na handog ng Star Cinema ang “My Ex and Whys.”(Sources: news.abs-cbn.com, lionheartv.net)
Barako PH is a Batangas-based digital marketing platform under Boomer Events and Production. The brand was created to promote and support local businesses in the Philippines through online marketing tools and services. Barako PH offers a wide range of services including website design and development, SEO, social media marketing, and online advertising. The company also provides a platform for businesses to connect with their customers and promote their products and services. Barako PH is committed to providing the best possible service to its clients and helping them grow their businesses.
 
  
 

 
 
GIPHY App Key not set. Please check settings