in , , , ,

BATANGAS CITY: LAOT; Isang Bangka, Isang Pag-Asa Project Matagumpay Na Naisagawa, 2 Pamilya Ng Mangingisda Nabiyayaan Ng Motorboats

Matagumpay na naisagawa nitong October 22, 2016; Sabado ang advocacy event na LAOT: Isang Bangka, Isang Pag-asa Project (The 5K Fun Run). Ito’y bilang pagsasakatuparan sa adbokasiya ng Miss World Philippines 2016 Semifinalist na si Ms. Ralph Lauren Asuncion upang matulungan ang mga mangingisda ng Brgy. San Agapito, Isla Verde, Batangas City na magkaroon ng mga bangkang de motor na gagamitin sa kanilang pang-araw-araw na pamumuhay.

Makalipas ang isang buwan, November 22, 2016 ay ipinagkaloob na sa dalawang napiling mangingisda ang dalawang motorboats.

LAOT: ISANG BANGKA, ISANG PAG-ASA PROJECT (THE 5K FUN RUN)…

Maaga pa lamang ay nagtipon-tipon na ang mga kalahok para sa LAOT: Isang Bangka, Isang Pag-asa Project ni Ms Lauren Asuncion nitong nagdaang October 22, 2016, araw ng Sabado sa Batangas Provincial Sports Complex.

Ito ay dinaluhan ng mga pamilyang Batangueno, mga kabataan, mga estudyante mula sa iba’t ibang unibersidad at kolehiyo sa lungsod. Gayundin, ang mga pinuno at kawani ng gobyerno, mga miyembro ng OCVAS at Bantay Dagat, miyembro ng media at ilan sa mga mangingisda na nagmula pa sa Isla Verde.

pizap-com14774189852381Bandang ala-sais na ng umaga ng magumpisa ang pagtakbo ng mga kalahok dala ang pag-asang makatulong sa mga mangingisdang nangangailangan ng motorboats sa barangay San Agapito mula sa Starting Line sa Batangas Provincial Sports Complex Entrance sa barangay Bolbok, Batangas City na nagtapos naman sa Batangas City Sports Oval sa barangay Cuta, Batangas City.

picmonkey-collage

Naging maayos ang takbo ng Fun run at hindi nagdulot ng trapik dahil na rin sa gabay ng Traffic Management Group(TMG) at Batangas City Police. Pasado alas-siete ng umaga ng matapos ang Fun run na naging hudyat naman para umpisahan ang maiksing awarding ceremony para sa Top 3 finishers ng race.

picmonkey-collage2

Pinangunahan ng mahusay na mang-aawit at brand ambassador ng Free Life Philippines Inc. na si Noel Lopez ang awarding ceremony na siyang nagsilbing host. Naging mga panauhin rin ni Miss World Philippines 2016 Semifinalist Lauren Asuncion sa kanyang advocacy event ang mga kaibigang sina Best Model of the World-Philippines 2016 Grand Winner and Vlogger Cliff Irvine Aparicio . Gayundin ang kanyang mga naging kasamahang kandidata sina MWP2016 Semifinalist Sarah Margarette Joson at MWP2016 4th Princess Sandra Lemonon.

14813483_1152046184860546_1902008123_n

Panoorin ang video ng LAOT: Isang BANGKA, Isang PAG-ASA sa Cliff to Clip Vlog ni Cliff Aparicio.

 Labis naman ang pasasalamat ni Lauren Asuncion sa mga sumuporta sa kanyang advocacy event. Narito ang kanyang pahayag.

We would like to thank everyone who came last sunday to participate in our fundraising event Laot isang bangka, isang pagasa fun run for a 5k race. Guys, what you did for me it isn’t just what you only did for me, but what you guys did to help our community especially to the people in Isla verde. This project would not have been possible without the help of our GOV.HERMILANDO MANDANAS, our VICE GOV. SOFRONIO ONA, our provincial BOARD OF MEMBERS, with the help of BANTAY DAGAT and our very own city mayor of Batangas MS. BEVERLY ROSE DIMACUHA. A huge thank you to all the students of AMA computer college, Batangas state university and Golden gate colleges. You guys are awesome for this life changing event. Thank you again to the sponsors Stays Pure Water, FreeLife Philippines Distribution Inc., BrotherJohn Castillo of Brother Johns Coffee and to La thalia resort thank you so much for welcoming us to your stunning beach resort. Of course to Kabatang I cannot thank you enough for all you did for me you guys are the best. Thank you to Emmanuel lopez, willie jay asuncion and to all my family in batangas who help me throughout on this event. I will always remember how you guys helped me to get this wonderful opportunity. Thank you to my VIP GUESTS Ms. Sandra lemonon, Ms. Sarah Joson and Cliff Aparicio for attending this event. It was a big success and your participation means a lot to me. ???????? Most of all, we want to give all praise, glory, honor and thanksgiving to God. ???? Thank you once again for your kindness, time and effort that put into making this fundraising event such a success. Godbless everyone. ???????????????? #runforlaot#Godbless#funrun#happy#5k#happyrunners#stepup4good#runtoinspire @sandra_lemonon @noeldclopez @smfj15 @cliffaparicio78

A photo posted by Ralph Lauren Asuncion (@rlalauren) on

<<<SEE NEXT PAGE>>>

What do you think?

Written by Barako PH Writers

Barako PH is a Batangas-based digital marketing platform under Boomer Events and Production. The brand was created to promote and support local businesses in the Philippines through online marketing tools and services. Barako PH offers a wide range of services including website design and development, SEO, social media marketing, and online advertising. The company also provides a platform for businesses to connect with their customers and promote their products and services. Barako PH is committed to providing the best possible service to its clients and helping them grow their businesses.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

GIPHY App Key not set. Please check settings