Matapos ang matagumpay na LAOT: Isang Bangka, Isang Pag-asa Project (The Fun Run) noong October 22, 2016 ay pormal namang ipinamahagi na sa dalawang napiling mangingisda mula sa Barangay San Agapito, Isla Verde ang dalawang bangkang de motor.
Makalipas ang isang buwan, nitong Martes, November 22, 2016 ay muling nagtungo si Lauren Asuncion sa Isla Verde para ito ay maigawad na ng personal sa dalawang napiling mangingisda.
LAOT: ISANG BANGKA, ISANG PAG-ASA PROJECT (THE AWARDING OF MOTORBOATS AT ISLA VERDE)…
Umaga pa lang nitong Martes, November 22,2016 ay nagtungo na ang Project LAOT team sa Office of the City Veterinary and Agricultural Service(OCVAS) compound sa Bolbok, Batangas City sa pangunguna ni Ms Lauren Asuncion at Project LAOT organizer Jhayzki Asuncion at Bantay Dagat para maghanda sa byahe patungong Isla Verde.
Nang makumpleto na ang grupo ay kaagad ng nagtungo sa Brgy Sta Clara kung saan naghihintay ang bangka ng Bantay Dagat na maghahatid sa Project LAOT Team patungong Isla Verde, kung saan pormal ng ipapamahagi ang 2 bangkang de motor para sa 2 napiling mangingisda ng Brgy San Agapito.

Pasado alas-6 na ng umaga ng umalis ang bangka patungong Isla Verde. Tumagal ang byahe ng halos isang oras at kalahati. Kahit malakas ang alon sa Matuco ay ligtas naman na nakarating ang Project LAOT team sa Barangay San Agapito, Isla Verde, Batangas City. Pagdaong ng bangka na aming sinakyan ay kaagad kaming nagtungo para makita ang 2 motorboats na ipamimigay.

Maya-maya lamang ay nagtipon na ang lahat para sa awarding ceremony sa pangunguna ng Project LAOT team na pinamumunuan ni Ms Lauren Asuncion. Naroon din si Jhayzki Asuncion (organizer/coordinator), Noel Lopez ng Free Life Philippines Inc.(sponsor), Kabatang admins na Kukoy at Tikya(social media partner). Gayundin ang grupo ng Bantay Dagat at mga barangay officials na malaki ang naging papel sa pagpili ng karapat-dapat na mabiyayaan ng bangka, mga residente ng brgy. San Agapito, at ang pamilya ng 2 mangingisda na napiling mapagkalooban ng bangkang de motor na sina James Driz Delgado at Zaldy Hernandez.

Halos hindi mapawi ang ngiti ng pamilyang napagkalooban ng bangka gayundin ang mga residente na dumalo. Labis naman ang taos-pusong pasasalamat ni Lauren Asuncion sa mga tumulong para maisakatuparan ang kanyang adbokasya na makatulong sa mga mangingisda.
Narito ang FB Live video ng naganap na paggawad ng bangka sa Brgy San Agapito,Isla Verde, Batangas City.

Free Life Philippines Distribution Inc.
Stays Pure Drinking Water
Media Partner:
(Special Thanks to: Sarah Picache Photography)
Barako PH is a Batangas-based digital marketing platform under Boomer Events and Production. The brand was created to promote and support local businesses in the Philippines through online marketing tools and services. Barako PH offers a wide range of services including website design and development, SEO, social media marketing, and online advertising. The company also provides a platform for businesses to connect with their customers and promote their products and services. Barako PH is committed to providing the best possible service to its clients and helping them grow their businesses.
 
  
 
 
 
GIPHY App Key not set. Please check settings