in ,

Mga Dapat Na Malaman Tungkol Sa RA 10913 (Anti-Distracted Driving Act)

Inilabas na ng Department of Transportation nitong nagdaang Miyerkules ang implementing rules and regulations (IRR) ng Republic Act 10913 o mas kilala bilang (An Act Defining and Penalizing Distracted Driving o Anti-Distracted Driving Act).

Ang IRR ay magiging epektibo matapos ang 15 calendar days.

Anti-Distracted Driving Implementing Rules and Regulations.

Sa ilalim ng IRR, ang mga sumusunod na mga gawain ay itinuturing na distracted driving, kung ang drayber ay nagsasagawa ng mga ito habang nagmamaneho ng sasakyan o pansamantalang huminto sa ilaw trapiko o intersection:

Una, ang paggamit ng mga mobile communications device para magsulat, mag-send, o magbasa ng anumang text-based communication, o maging ang tumawag o sumagot ng tawag, at iba pang mga kaparehong gawain;

Ikalawa, ang paggamit ng anumang electronic entertainment o computing device para mag-games, manood ng movies, mag-surf sa internet, mag-compose ng messages, magbasa ng e-books, gayundin ang pagsasagawa ng calculation, at iba pang mga kaparehong gawain.

Ayon sa IRR, ang mga devices ay dapat na ilagay ng hindi hihigit sa 4 inches mula sa dashboard upang hindi makagambala sa line of sight ng drayber.

Anti-Distracted Driving Exemptions:

Samantala, ang mga drayber naman naman na gumagamit ng mobile communications devices gamit ang mga hands-free function via earphones, speaker phone, microphone, at iba pang katulad na devices ay hindi umano labag sa distracted driving.

Papayagan lang ang mga motorista sa distracted driving kung ang paggamit ng mobile phone para sa emergency purposes tulad ng pagtawag or text sa law enforcement agency para magreport ng krimen at mga iligal na gawaino, sa mga health care providers kung may sitwasyon na nangangailangan ng dagliang  medical attention, sa fire department kung may irereport na sunog o anumang pagsabog, at iba pang mga sitwasyon na nangangailangan ng emergency services tulad ng electric, gas, water, chemical, at towing services.

Anti-Distracted Driving Penalties:

Ang drayber na mahuhuli na lumabag sa probisyon ng IRR ng RA 10913 ay may kaukulang parusa/multa:

  • P5,000 multa para sa first offense.
  • P10,000 multa para sa second offense.
  • P15,000 multa at suspensyon ng driver’s license ng tatlong buwan para sa third offense.
  • P20,000 multa at revocation ng driver’s license para sa ika-apat at kasunod pang mga paglabag.

Anti-Distracted Driving Public information campaign.

Inaasahan naman ang pagsasagawa ng public information campaign ng Department of Transportation(DOTr), Land Transportation Office(LTO), sa pakikipagtulungan na rin ng Philippine Information Agency(PIA), Department of Education(DepEd), Department of Interior and Local Government(DILG), Philippine National Police(PNP), at ilan pang pribadong ahensya at organisasyon na magsagawa ng information, education, at communication campaign sa loob ng 6 na buwan mula sa effectivity date ng IRR.

Biyaheng Batangas along Star Tollway. Source: IG@leapam

Nilinaw naman ng mga opisyales ng DOTr na ang mga accessories tulad ng rosaries, figurines, dashboard toys, crucifix, at stickers ay pinapayagan sa ilalim ng RA 10913.

Ang paglilinaw ay inilabas matapos magkaroon ng pagkalito sa pagpapatupad ng batas dahil nakasama ang rosaryo sa inisyal na listahan ng mga “distractions” kasama ang mobile phones, gadgets sa dashboards.

Barako Logo
 | Website |  + posts

Barako PH is a Batangas-based digital marketing platform under Boomer Events and Production. The brand was created to promote and support local businesses in the Philippines through online marketing tools and services. Barako PH offers a wide range of services including website design and development, SEO, social media marketing, and online advertising. The company also provides a platform for businesses to connect with their customers and promote their products and services. Barako PH is committed to providing the best possible service to its clients and helping them grow their businesses.

What do you think?

Written by Barako PH Writers

Barako PH is a Batangas-based digital marketing platform under Boomer Events and Production. The brand was created to promote and support local businesses in the Philippines through online marketing tools and services. Barako PH offers a wide range of services including website design and development, SEO, social media marketing, and online advertising. The company also provides a platform for businesses to connect with their customers and promote their products and services. Barako PH is committed to providing the best possible service to its clients and helping them grow their businesses.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

GIPHY App Key not set. Please check settings