Tunay ka namang nakakatuwa areng dalwang pulis Bauan na are na nagsauli ng P140,000 na halaga ng nawalang pera sa mayari nareng Martes, November 1, 2016.
Alamin ang detalye dine.
2 PULIS BAUAN MATAPAT NA NAGSAULI NG NATAGPUANG P140K WORTH OF CASH SA MAYARI…
Habang abala ang karamihan sa atin sa paggunita sa mga mahal nating yumao nitong All Saint’s day(November 1, 2016) ay abala naman ang mga kapulisan natin hindi laang dine sa Batangas kundi sa buong Pilipinas para mapanatiling ligtas at mapayapa ang lahat.
Kahanga-hanga naman ang ginawa ng dalawang itinuturing ngayon na “Honest cops” ng Bauan Municipal Police Station na sina SPO1 Jowel Ilagan Cantoria at PO1 Marvin Quilang Tumaliuan matapos nilang magsauli ng pouch na naglalaman ng ng mga resibo at salapi na tinatayang nasa P 140,000 ang halaga sa tunay na mayari. Nakatalga diumano ang dalawang pulis sa Police Assistance Desk ng mga ito sa F. Mangobos corner Binay St., Poblacion 3, Bauan, Batangas.

Napansin umano ng dalwa ang pink pouch na nagpatak mula sa bag ng isang babae na ng lumaon ay nakilalang si Marieta Hernandez. Sinubukang habulin kaagad ng dalwa ang babae ngunit hindi nila ito naabutan. Nang buksan ang pouch ay napansin nila ang lamang mga perang papel dito. Kaya naman hinananap na rin nila sa tinunguhang sementeryo ang babae para maibalik ito. Hindi nila ito makita kaya minabuti nilang antayin na laang sa exit ng sementeryo ang babae.
Makalipas ang ilang oras ay nagkusang tumungo ang babae sa Police Assistance Desk kaya naman matagumpay na naibalik rito ang pouch.
Binigyang pugay naman ni Senior Supt. Leopoldo Cabanag ang ginawa ng dalwang pulis, “The act of SPO1 Cantoria and PO1 Tumaliuan exemplifies a true and genuine attribute of a member of the Philippine National Police worthy of emulation” ayon sa Batangas Police Director.(Source: Batangas PNP)
Barako PH is a Batangas-based digital marketing platform under Boomer Events and Production. The brand was created to promote and support local businesses in the Philippines through online marketing tools and services. Barako PH offers a wide range of services including website design and development, SEO, social media marketing, and online advertising. The company also provides a platform for businesses to connect with their customers and promote their products and services. Barako PH is committed to providing the best possible service to its clients and helping them grow their businesses.
 
  
 

 
 
GIPHY App Key not set. Please check settings