Nag-umpisa na ang kauna-unahang season ng The Voice Teens Philippines nitong April 16, 2017 na mapapanuod pa rin sa ABS CBN tuwing Sabado at Linggo na hango sa isang Dutch reality singing competition. Muling nagbabalik ang mga coaches ng the Vice Kids na sina Lea Salonga, Sharon Cuneta at Bamboo Manalac, samantala nagbabalik rin bilang coach si Sarah Geronimo.
Isang Batanguenya ang nakapasok sa blind auditions. Atin siyang kilalanin.
KILALANIN SI CHLOE REDONDO NG THE VOICE TEENS PHILIPPINES…
Maraming kabataan ang nangangarap na makatuntong sa the voice stage upang maipamalas ang kanilang galing sa pag-awit. At isa nga sa nabigyan ng pagkakataon ay ang isang 15 year old teenager na si Chloe Redondo.
Noong Sabado, April 22 2017, kinanta ni Chloe ang sikat na sikat na kanta ni Jessie J na Masterpiece na siyang nagpatingkad ng kanyang boses upang lahat ng coaches ay umikot sa kanya. Unang umikot si coach Bamboo kasunod si coach Sharon. Habang sa pagtagal pa ng pagkanta ni Chloe ay naipapakita pa niya ang power at ganda ng kanyang boses na maging ang host na si Toni Gonzaga ay napahanga at upang tuluyan na ring mapaikot si coach Lea at kalaunan ay umikot na din si coach Sarah.

Samantala matapos kumanta ni Chloe ay napaiyak ito dahil hindi niya akalain na apat na coach ang iikot para sa kanyang ginawang performance. Ayon pa sa kanya ang kanyang pamilya ang kanyang inspirasyon para sa pangarap niyang maging singer. Hindi naman magkamayaw ang mga coaches sa pagsuyo sa batanguenang si Chloe dahilan para lahat ng coach ay lumapit sa kanya. Sa huli mas pinili ni Chloe ang kanyang coach na iniidolo na si coach Sarah at pagkatapos ay nagduet pa sila ng kantahion nila ulit ang Masterpiece. Tuwang tuwa naman si Sarah Geronimo dahil siya ang napili ng bata at nakikita niyang napakalaki ng potensyal ni Chloe sa pagkanta.
Kapansin pansin din ang ganda ni Chloe dahil maraming netizens ang nakapansin na kahawig niya ang kapatid ni Toni Gonzaga na si Alex Gonzaga na naging host na rin ng The Voice.
Si Chloe ay anak nina Cora Magnaye Redondo na taga-Sta Maria, Bauan, Batangas at Manny Redondo na taga-Calamba, Laguna kung saan doon sila naninirahan sa kasalukuyan. Ayon sa tiyuhin ni Chloe na si Jaysonn Magnaye laking Bauan umano halos si Chloe at palagi pa ring umuuwi ng Sta Maria kapag bakasyon na sa eskwela.
Sa ngayon ay naghahanda at nag eensayo si Chloe para sa mga susunod niyang pagtungtong sa stage ng The Voice Teens para tuluyang maabot ang kanyang pangarap.(Article: Jez Moresca, Photos: Chloe Redondo)
Panoorin ang video ng blind audition ni Chloe Redondo sa The Voice Teens Philippines.
Barako PH is a Batangas-based digital marketing platform under Boomer Events and Production. The brand was created to promote and support local businesses in the Philippines through online marketing tools and services. Barako PH offers a wide range of services including website design and development, SEO, social media marketing, and online advertising. The company also provides a platform for businesses to connect with their customers and promote their products and services. Barako PH is committed to providing the best possible service to its clients and helping them grow their businesses.
 
  
 

 
 
GIPHY App Key not set. Please check settings