NATIONAL YOUTH COMMISSION MAHIGPIT NA BABANTAYAN ANG MGA PROYEKTO NG SANGGUNIANG KABATAAN

Nais siguruhin ng National Youth Commission (NYC) na mahigpit nilang susubaybayan ang mga gawain ng Sangguniang Kabataan (SK) sa buong bansa matapos ang resulta ng eleksyon nitong May 14, 2018.
Ayon kay Commissioner/OIC Chairman Ronald Cardema, hindi na umano hahayaan ng itinuturing na highest policy making body pagdating sa youth sector ang mga hindi mahahalagang proyekto na kung saan nasasayang lamang ang pondo ng gobyerno.
“Hindi na puwede ang mga dating proyekto ng mga SK na pa-liga lang, pa-beauty contest, mga house plate number, outing, lakbay-aral pero bakasyon lang naman,” saad ni Cardema.
Mas nais ng NYC na isali ang kabataan sa mas mahahalagang bagay tulad ng disaster response, anti-drugs, at anti-crime campaigns.
Inirerekomenda rin ng NYC sa Department of the Interior and Local Government (DILG) na magpataw ng suspensyon sa mga SK officials kung ang mga ito ay magiging iresponsable at pabaya sa kanilang tungkulin.
Bukod dito ay sasailalim rin ang mga SK officials ng mandatory training bago sila.
Ayon sa NYC plano umano nila na magkaroon ng ceremonial mass oath-taking para sa mga elected SK officials sa harapan mismo ni Pangulong Rodrigo Duterte.
“Ngayon po mayroon tayong inirerekomenda sa National Youth Commission na ipapasa namin as resolution na lahat ng magiging SK officials sa buong bansa ay magce-ceremonial mass oath-taking kay pangulo po,” saad ni Cardema.
Ang Sangguniang Kabataan (SK) ay binubuo ng 1 SK Chairman at 7 SK councilors na nasa edad 18 hanggang 24 na magsisilbi sa loob ng 3 taon.(Source: UNTV News)
Read more: PILIPINAS NEWS
Barako PH is a Batangas-based digital marketing platform under Boomer Events and Production. The brand was created to promote and support local businesses in the Philippines through online marketing tools and services. Barako PH offers a wide range of services including website design and development, SEO, social media marketing, and online advertising. The company also provides a platform for businesses to connect with their customers and promote their products and services. Barako PH is committed to providing the best possible service to its clients and helping them grow their businesses.
GIPHY App Key not set. Please check settings