Isa sa mga kumalat na bali-balita kamakailan tungkol sa sanhi ng lindol ay ang pagkakaroon umano ng Geothermal Power project sa barangay San Teodoro, Mabini, Batangas. Ito pinangangambahang sanhi ng Magnitude 5.4 na lindol na unang tumama noong April 04, 2017; Martes ng gabi na nasundan pa ng mga aftershocks.
Inasahang hihina na ang mga pagyanig na kasunod nito na maari umanong tumagal ng isang linggo. Kaya naman laking gulat ng lahat ng tumama ang magkasunod na Magnitude 5.6 at 6.0 nitong Sabado, April 08, 2017 dakong 3:07 at 3:09 ng hapon na higit na mas malakas kaysa sa mga napaunang tala ng PHIVOLCS.
MAYOR LUISTRO IPINATIGIL PANSAMANTALA ANG GEOTHERMAL EXPLORATION SA MABINI, BATANGAS…
Isang liham ang ipinadala kamakailan ni Mabini, Batangas Mayor Noel Luistro sa pamunuan ng Basic Energy Corp. para sa pansamantalang pagpapahinto ng geothermal exploration process nito sa barangay San Teodoro ng nabanggit na bayan. Ito ay kaugnay na rin ng pagbibigay daan sa imbestigasyong gagawin ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology(PHIVOLCS) para matukoy ang sanhi ng sunud-sunod na pagyanig.
Narito ang kuhang larawan ng liham na ipinadala ni Mayor Luistro sa Basic Energy Corporation.

Ang geothermal plant ay pinamamahalaan ng Basic Energy Corporation at Trans-Asia Oil and Energy Development Corporation. Nagsisimula ang “spudding” o panimulang paghukay sa lugar kung saan itatayo ang mga balon (well) para sa mga gagawing drilling noong Hunyo 2016.
Ayon sa Basic Energy, ang drilling ay naglayong makahukay ng lalim na 1,500 meters mula sa ibabaw ng lupa upang maalman ang temperatura at kalidad ng steam resources sa naturang lugar. Umaabot diumano ng tatlong (3) buwan bago maabot ang target na lalim ng paghuhukay.
Inaasahang makapagbibigay ang geothermal plant ng 20-60 MW na enerhiya.
Ngunit ang geothermal exploration nga ay isa sa mga pinangambahang dahilan ng sunud-sunod na lindol ng mga mamamayan.
PHIVOLCS DIRECTOR RENATO SOLIDUM PINABULAANAN ANG PANGAMBA NG KARAMIHAN NA ANG PAGKAKAROON NG GEOTHERMAL PROJECT SA MABINI AY SANHI NG MGA LINDOL…
Pinabulaanan ni Philippine Institute of Volcanology and Seismology(PHIVOLCS) Director Renato U. Solidum ang kumakalat na bali-balita na sanhi umano ng lindol ang pagkakaroon ng geothermal power plant sa barangay San Teodoro, Mabini, Batangas.
Nagtungo si Solidum sa Mabini, Batangas nitong April 09, 2017 para bisitahin at tumugon na rin marahil sa hiling na imbestigahan ang sanhi ng lindol na nangyayari mula pa noong Martes.
Ayon kay Solidum, masyado umanong mababaw lang ang nahuhukay o drilling activities ng Geothermal plant sa San Teodoro, Mabini, Batangas para maging sanhi ito ng lindol.
Narito ang pahayag ni PHIVOLCS Director Solidum na nakuhanan ng MDRRMC San Pascual.
Barako PH is a Batangas-based digital marketing platform under Boomer Events and Production. The brand was created to promote and support local businesses in the Philippines through online marketing tools and services. Barako PH offers a wide range of services including website design and development, SEO, social media marketing, and online advertising. The company also provides a platform for businesses to connect with their customers and promote their products and services. Barako PH is committed to providing the best possible service to its clients and helping them grow their businesses.
 
  
 
 
 
GIPHY App Key not set. Please check settings