in ,

KABARAKO: LA Tenorio PBA Champion, Finals MVP, At Happy Dad Para Sa Kanyang Ikatlong Anak

Nakakapaumis ng maganda areng balitang areh tungkol sa Kabatang natin na taga-Nasugbu, Batangas na si LA Tenorio. Akalain mong bukod sa pagdala niya sa kanyang koponan na Barangay Ginebra San Miguel para mag-kampeong muli matapos ang 8 taon sa katatapos lang na PBA Governor’s Cup ay nahirang din siya na Finals MVP ng Best-of-7 na serye kontra Meralco Bolts.

At makalipas laang ang halos 24 oras ay nanganak naman ang misis nito na si Chesca Tenorio ng kanilang ikatlong anak, isang malusog na baby boy.

LA TENORIO AT ANG MAILAP NA KAMPEONATO SA BARANGAY GINEBRA SAN MIGUEL…

Si LA Tenorio, 32 anyos, may taas na 5ft 8 inches(1.73m), tubong Nasugbu, Batangas ay nakapasok sa Philippine Basketball Association(PBA) bilang 4th overall pick noong 2006 Rookie Draft kung saan nakuha siya ng San Miguel Beermen. Noong 2008 ay nai-trade siya sa Alaska Aces mula SMB na noon ay Magnolia kasama si Larry Fonacier kapalit nina Ken Bono at Mike Cortez bago siya napunta sa Ginebra noong August 31, 2012 sa isang 6-player blockbuster deal. Sa parehong taon, sumikat si Tenorio hindi lamang sa PBA kundi pati sa international scene bilang isa sa mga kinatawan ng Gilas Pilipinas kung saan nakuha ni Tenorio ang MVP award sa 2012 William Jones Cup gayundin ang kampeonato na naganap sa Taiwan.

Noong 2012-2013 PBA Commissioner’s Cup, pinangunahan na rin ni Tenorio ang Ginebra para makapasok sa Finals kontra sa dati nitong koponan na Alaska Aces. Nahirang siyang Best Player of the conference ngunit hindi nag-kampeon, 3-0 ang resulta ng pinaikling serye sa Finals na Best-of-5, pabor sa Alaska Aces.

capture

Kung susumahin 8 taon ang hinintay ng milyon-milyong fans ng pinakasikat na koponan sa PBA na Barangay Ginebra San Miguel at 4 na taon naman para makabalik sa Finals at makuha ng tuluyan ang mailap na kampeonato sa katatapos lang na 2016 Oppo PBA Governor’s Cup Finals. Huli pang napanalunan ito ng Ginebra noong 2008 PBA Fiesta Conference kaya ganun na lamang ang labis na pagnanais ng koponan at ng mga fans na muling masungkit ang mailap na kampeonato.

Muling ipinamalas ni Tenorio ang kanyang husay sa paglalaro na nagtala ng 18 points, 5 rebounds, 4 assists per game kaya naman nahirang siyang Finals MVP. Sa huling bahagi ng game 6 ng serye, nitong October 19, 2016 sa Smart Araneta Coliseum, masasabing binuhat ni Tenorio ang Ginebra lalo na sa 3rd Quarter kung saan umiskor siya ng 13 puntos sa kanyang total na 25 puntos sa larong iyon. Panoorin ang highlights ng nasabing laro.

 Ibinalik naman ni LA ang kredito sa kanyang teammates sa kanyang Finals MVP acceptance speech. Aniya total team effort diumano ng team kaya sila nagkampeon. Binanggit niya na malaking bagay ang nagawa ng import nilang si Justin Brownlee, kapwa beteranong players na sina Japeth Aguilar, Mark Caguioa, Jayjay Helterbrand, Joe Devance at ang rookie na si Scottie Thompson.

Ayon sa kanya, “Itong game na to naging outstanding laro ko dahil na-shoot mga tira ko e, with the help of my teammates na rin. Hinahanap talaga nila ko”. Pinasalamatan naman niya ang mga Ginebra fans, “Actually tapos na sana tong series na to kundi dahil sa kanila (fans), they really inspired us after that game.”

A photo posted by LA Tenorio (@la_tenorio) on

LA TENORIO ITINURING NA LUCKY CHARM ANG IKATLONG ANAK PARA MAKUHA ANG KAMPEONATO…

Noong Miyerkules, October 19, 2016, sa Game 6 ng labanang Ginebra at Meralco sa Best-of-7 series Finals ng Oppo PBA Governors Cup, ang serye ay pabor sa Ginebra, 3-2. Higit na ninais ni Tenorio na matuldukan na sa araw na iyon ang 8 taon ng hinahangad na kampeonato. Ito’y sa kadahilanang nakaschedule na kinabukasan noon ang panganganak ng kanyang maybahay na si Chesca sa kanilang ikatlong anak.

Ayon sa kanya,“Nasa isip ko lang talaga I don’t want to play Game 7 kasi yung baby ko na lalabas bukas eh. Kung magkaroon ng Game 7 iisipin ko pa yun, my wife is in the hospital, my baby is in the hospital. Yun talaga yung motivation sa akin. Ginawa ko best ko for us to win.

Kaya naman kinabukasan matapos manalo ay matagumpay na nakapagsilang ng malusog na baby boy ang kanyang maybahay. Mayroon ng tatlong anak ngayon si LA at ito ay puro lalake.

Sa kanyang Instagram account na @LA_Tenorio. Tinawag niyang  “lucky charm” at “Champion Baby” ang bagong silang na anak.

Ayon sa kanya”After 24 hours wala pang tulog kasi I need to go to the hospital because my wife gave birth naman.” Dagdag pa niya, “Grabe lang talaga ang blessings na dumarating sa akin in less than 24 hours I’m so thankful to the Lord talaga.”

Samantala, umaasa naman ang manlalaro na maka-babaeng anak naman daw sana sa susunod.(Sources:mb.com.ph/spin.ph Photos: FB/LATenorio)

Barako Logo
 | Website |  + posts

Barako PH is a Batangas-based digital marketing platform under Boomer Events and Production. The brand was created to promote and support local businesses in the Philippines through online marketing tools and services. Barako PH offers a wide range of services including website design and development, SEO, social media marketing, and online advertising. The company also provides a platform for businesses to connect with their customers and promote their products and services. Barako PH is committed to providing the best possible service to its clients and helping them grow their businesses.

What do you think?

Written by Barako PH Writers

Barako PH is a Batangas-based digital marketing platform under Boomer Events and Production. The brand was created to promote and support local businesses in the Philippines through online marketing tools and services. Barako PH offers a wide range of services including website design and development, SEO, social media marketing, and online advertising. The company also provides a platform for businesses to connect with their customers and promote their products and services. Barako PH is committed to providing the best possible service to its clients and helping them grow their businesses.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

GIPHY App Key not set. Please check settings