in , , , ,

SAN JOSE: Pinakamahabang Linya Ng Tray Ng Sariwang Itlog Para Maitala Sa Guinness World Record, Isinagawa!

Pinagdiriwang ngayong araw sa San Jose, Batangas ang kauna-unahang “World Egg Day” sa Pilipinas kung saan naitala nito ang Guinness Book of World Record para sa “Longest line of fresh chicken eggs in trays”.

Alamin ang detalye.

TALA SA GUINNESS WORLD RECORD PARA SA PINAKAMAHABANG LINYA NG SARIWANG ITLOG NG MANOK SA TRAY ISINAGAWA SA SAN JOSE, BATANGAS…

Ngayong araw ng Biyernes, October 14, 2016 ay ipinagdiriwang ang kauna-unahang “World Egg Day” sa bansa sa pangunguna ng Munisipalidad ng San Jose, Batangas. Ito’y bilang selebrasyon na rin ng pagtaas ng tala ng produksyon ng itlog ng 25% without loss.

Bahagi rin ng selebrasyon ang presentasyon ng Batangas delicacy na “Sinuam” isang uri ng egg-dropped soup na may ginisang bawang, sibuyas, asin, paminta at itlog.

fb_img_1476456432384                                                   (Photo source: FB/Shiela Marie Pinpin)

Ayon sa tala 30 porsyento ng suplay ng itlog sa Pilipinas ay mula sa San Jose, Batangas kung kaya ang bayan ay naituring na “Egg basket of the Philippines”. Samantalang 10 porsyento naman ng mga negosyo sa San Jose ay nasa industriya ng itlog.

Noong 2004, itinulak ni dating Agriculture secretary Luis P. Lorenzo ang pagkakaroon ng egg processing plant na naglalayon na magkaroon ng produksyon ang lalawigan ng 160,000 na itlog kada araw para sa 8, 000 kilo ng liquid processed egg kada araw. Sa kasalukuyan, kaya umano ng lalawigan na magsuplay ng hanggang 7 milyong piraso ng itlog kada araw.

Isinagawa ngayong araw sa Macalintal Avenue ang paglatag sa kalsada ng tinatayang 2 kilometrong haba ng nakalinyang tray ng sariwang itlog. Nasa 6, 000 egg trays na may 30 piraso kada tray ang isinalangsang para maitala ang Guinness Book of World records para sa longest line of fresh chicken eggs in trays.(Source:newsfeed.ph)

Samantala narine ang bidyo ng GMA 7’s Unang Hirit ng “World Egg Day” kasama si Arn-arn at Love Anover.

Barako Logo
 | Website |  + posts

Barako PH is a Batangas-based digital marketing platform under Boomer Events and Production. The brand was created to promote and support local businesses in the Philippines through online marketing tools and services. Barako PH offers a wide range of services including website design and development, SEO, social media marketing, and online advertising. The company also provides a platform for businesses to connect with their customers and promote their products and services. Barako PH is committed to providing the best possible service to its clients and helping them grow their businesses.

What do you think?

Written by Barako PH Writers

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

GIPHY App Key not set. Please check settings